• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

China, maglalagak ng dagdag P800-M para mga hinagupit ni ‘Odette’ sa VisMin

Balita Online by Balita Online
January 17, 2022
in Balita Archive
0
BFP, nagtayo ng Victims Information Center para sa missing persons sa pananalasa ni ‘Odette’

Larawan mula PH Coast Guard

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Magbibigay ang China ng P800 milyon na karagdagang grant sa Pilipinas upang makatulong sa reconstruction efforts nito sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette noong nakaraang taon, inihayag ni State Councilor at Foreign Minister of China Wang Yi nitong Lunes, Enero 17, sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations.

“The Philippine people are strong and resilient. We believe that under the leadership of President Duterte and the Philippine government, people in the affected areas will rebuild their homes at an early date,” ani Wang sa isang talumpati.

“To support their reconstruction, I’d like to announce that the Chinese Government has decided to provide another 100 million RMB yuan of grant to the Philippines,” dagdag ng Chinese Foreign Minister.

Binigyang-diin niya na ang China at Pilipinas ay magkapitbahay at “partners through thick and thin.”

Dagdag ng foreign minister, nang tamaan ng bagyong Odette ang Pilipinas, kaagad na nagpahayag ng pakikiramay at suporta si Pangulong Xi Jinping, at kabilang ang gobyerno ng China sa mga unang nagbigay ng emergency assistance.

“We hope the new grant will help boost the recovery,” sabi ng opisyal.

Una nang nagbigay ang China ng P50-million emergency cash assistance sa Pilipinas para matulungan ang gobyerno sa relief operations nito at tulungan ang mga biktima ng bagyo na muling itayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon.

Noong Disyembre 29, 2021, nag-donate din ang Chinese Embassy sa Manila ng 100,000 bote ng inuming tubig na nagkakahalaga ng P1 milyon sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo.

Noong Enero 16, Linggo, mahigit 5,000 relief packs ang ipinamahagi ng Chinese Embassy sa mga munisipyo ng San Miguel, Trinidad, at Inabaga sa lalawigan ng Bohol, mga lugar na matinding napinsala ng bagyo.

Betheena Unite

Tags: Bagyong Odettechina
Previous Post

Kaloka! Andrea, sinugod nga ba si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Next Post

Nograles, nagbabala sa publiko ukol sa mga solicitation scam gamit ang kanyang pangalan

Next Post
6 na buwan ng Duterte admin, pagtutuunan ng pansin ang pagbangon ng VisMin — Nograles

Nograles, nagbabala sa publiko ukol sa mga solicitation scam gamit ang kanyang pangalan

Broom Broom Balita

  • Kampo ni Robredo, walang pagtutol sa resulta ng halalan
  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.