• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Acosta, umaming unvaccinated vs COVID-19; lalaban sa awtoridad sakaling siya’y arestuhin

Balita Online by Balita Online
January 17, 2022
in National / Metro
0
Acosta, umaming unvaccinated vs COVID-19; lalaban sa awtoridad sakaling siya’y arestuhin

Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda Acosta via Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinunyag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda Acosta na hindi siya bakunado laban sa coronavirus  disease (COVID-19).

Ngunit nagbabala si Acosta na gagawa siya ng aksyon laban sa mga lokal na batas na naghihigpit sa paggalaw at nagpaparusa sa mga hindi bakunadong indibidwal.

“If ever the local officials will incarcerate me for being unvaxed, then I will fight for my cause,” pagdedeklara ni Acosta nitong Lunes, Enero 17 sa isang panayam sa ANC’s Headstart.

Ipinaliwanag niya na nanatili siyang hindi bakunado dahil sa kanyang edad at iba pang mga kondisyon sa kaniyang kalusugan.

 “I am not anti-vaccination,” paglilinaw niya.

“Ako talaga may second thoughts ako. I am waiting for a protein-based COVID vaccine,” aniya at habang sinabing ang kasalukuyang bakuna ay ribonucleic acid (RNA)-based.

Nabanggit niya na ang kanyang mga kapatid na lalaki at anak na babae ay nabakunahan na at maging ang PAO ay may 91 percent na vaccination rate.

“There are many groups who are preparing to ask for the declaration of the unconstitutionality of any mandatory or indirect mandatory vaccination,” ani Acosta.

Aniya, wala siyang planong magpabakuna.

“There is no need for me to be a part of that because we do not collaborate unless it is necessary,” dagdag niya.

Kasunod na umapela siya sa mga local government units (LGUs) na huwag magpatupad ng mga polisiyang diskriminasyon laban sa mga hindi bakunado.

Nakasaad sa Bill of Rights of the Constitution na “walang tao ang dapat alisan ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas.”

Binanggit din niya ang Republic Act No. 11525, na kilala rin bilang COVID-19 Vaccination Program of 2021, na nagsasabing “vaccine cards shall not be necessary for educational, any transaction.”

Ipinunto rin ni Acosta na idineklara ng Department of Health (DOH) na “may karapatan ang pasyente na tumanggi sa bakuna at tumanggi sa anumang gamot dahil ang katawang ito ay pag-aari mo mismo, hindi pag-aari ng gobyerno ang katawan mo.”

Ipinagtanggol niya ang mga tagubilin ni Pangulong Duterte sa mga LGU na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa bakunado.

“We cannot blame the President because he believes that the only way to curb and to fight against the pandemic is vaccination,” aniya.

“Pero it does not mean i-violate ninyo ang Konstitusyon,” giit niya.

Jeffrey Damicog

Tags: PAO Chief Persida Rueda AcostaPublic Attorneys Office
Previous Post

Petisyong nagpapakansela sa COC ni Marcos, ibinasura

Next Post

Negatibong growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila, naitala noong nakaraang linggo

Next Post
DOH, positibong lalo pang bababa ang kaso ng COVID-19 cases sa bansa

Negatibong growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila, naitala noong nakaraang linggo

Broom Broom Balita

  • Lovi Poe, feeling patay sa birthday tarpaulin
  • Vintage-themed photos ni Liza Soberano, pinagpiyestahan
  • ‘Unbothered?’ James at Issa, naglambingan sa sofa
  • Vanessa at Janice, nakaladkad dahil sa tanong ng misis ni John Estrada
  • ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.