• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

PH Navy, nakatakdang magtayo ng naval facilities sa Dinagat Islands

Balita Online by Balita Online
January 16, 2022
in National / Metro, Probinsya
0
PH Navy, nakatakdang magtayo ng naval facilities sa Dinagat Islands

Isang Deed of Usufruct ang nilagdaan ng Naval Forces Eastern Mindanao ng PN at ng pamahalaang panlalawigan ng Dinagat Islands noong Enero 14, 2022 para sa pagtatayo ng mga pasilidad ng hukbong-dagat sa isla na lalawigan. (Courtesy of Philippine Navy)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinunyag ng Philippine Navy (PN) nitong Linggo, Enero 16, na magtatayo sila ng naval facilities sa Dinagat Islands upang matiyak ang madaling pag-akses sa isla na mahalaga lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad. 

Sinabi ni Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng PN, na ang Deed of Usufruct ay nilagdaan nina Commodore Carlos Sabarre, kumander ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), at Dinagat Islands Governor Arlene Bag-ao noong Biyernes para sa pagtatayo ng mga naval facility sa loob ng pamahalaang panlalawigan, sentro ng Dinagat Islands.

Sinabi ni Negranza na ang Deed of Usufruct ay i-eendorso para sa pag-apruba ng Secretary of National Defense.

Inilarawan niya ito bilang isang “pioneer accord” sa pagitan ng Navy at ng Dinagat Islands.

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Bag-ao ang Navy sa pagiging “first to recognize the value of Dinagat” sa pamamagitan ng pagpapahayag ng interes sa pagtatayo ng mga pasilidad ng hukbong-dagat sa lalawigan.

“As we all know, the province of Dinagat is currently on its road to recovery, 98 percent were ravaged by Typhoon Odette. This will be the first agreement between the Navy and Dinagat, and it’s like a christening. I’m very excited because finally, Dinagat is slowly regaining presence in the world,” dagdag ni Bag-ao.

Ang Dinagat Islands ay isa sa mga lalawigang matinding napinsala ng bagyong “Odette” noong nakaraang taon.

Upang makapaghatid ng relief goods para sa mga apektadong residente, kinailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gumamit ng mga barko at eroplano dahil hindi ito ma-access sa pamamagitan ng land travel.

Ngunit sa kasunduan kamakailan, umaasa si Negranza na mas magiging konektado ang lalawigan sa gobyerno para mas madali rin ang paghahatid ng mga serbisyo at kalakal.

Martin Sadongdong

Tags: Dinagat Islandsphilippine navy
Previous Post

DND, aprubado ang pagbili ng P32-B halaga ng 32 Black Hawk helicopters mula Poland

Next Post

BBM-Sara tandem, namayagpag sa 2022 election survey sa Caloocan City

Next Post
Nominasyon ni Marcos, minaliit ng 1Sambayan; Sara, best admin bet pa rin

BBM-Sara tandem, namayagpag sa 2022 election survey sa Caloocan City

Broom Broom Balita

  • BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand
  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
  • 8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City
  • Alden Richards, pangarap maging daddy
  • Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak

BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand

May 31, 2023
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.