• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sue, binatukan ang ‘gamunggong ulo’ ni Jodi: ‘I was really scared’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 15, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sue, binatukan ang ‘gamunggong ulo’ ni Jodi: ‘I was really scared’

Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez (Screengrab mula sa YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez na totoong binatukan niya ang tinaguriang ‘Silent Superstar’ ng Kapamilya Network na si Jodi Sta. Maria, sa isa sa mga pinag-usapang eksena sa trending trailer ng ‘The Broken Marriage Vow,’ ang Pinoy adaptation ng hit British series na ‘Doctor Foster’ (The World of the Married sa remake ng South Korea).

Si Sue ang gaganap na Lexy Lucero sa serye, na siyang kabit ng karakter ni Zanjoe Marudo, na gaganap naman bilang si David Ilustre at mister ni Jodi sa kuwento, na gaganap naman nilang Dr. Jill Ilustre.

Kung tutuusin, ito ang biggest break ni Sue lalo’t nakilala siya sa pagganap sa mga pa-tweetums at pa-sweet na character sa teleserye, pero ngayon, talaga namang bonggang-bongga na ang pagsisimula ng kaniyang kontrabida role sa malaking proyektong ito ng Kapamilya Network ngayong 2022, sa kabila ng kawalan ng prangkisa.

“Ang laki ng pressure sa akin. Batok talaga? Nakakaloka!” pag-amin ni Sue sa ginanap na solo virtual media conference para sa kaniya.

Chika ni Sue, ayaw niya sanang totohanin ang pagbatok kay Jodi dahil sa palagay naman ay kayang-kaya nitong pekein na lang na maganda pa rin ang kalalabasan, ngunit ito mismo ang nagsabi sa kaniya na ayos lang at totohanin na.

Kaya go na go naman ang lola n’yo para mas maging makatotohanan pa ang mga eksena. Kaya lang, nashokot pala si Sue dahil ang liit daw ng ulo ni Jodi. Inilarawan niya ang ulo nito na ‘gamunggo.’

“I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi, gamunggo po siya. Konting pagkakamali, ulo ‘yun…bawal nga masahihin ‘yung batok tapos mambabatok pa ko!”

“Kailangan ko siya gawin kasi ginawa siya sa lahat ng versions ng ‘Doctor Foster.’ So bongga ‘yung eksena na ‘yun. Crucial siya.”

At pagmamalaki niya, take 1 lang ‘yun kaya nakahinga siya nang maluwag na isang beses lamang ang bonggang-bonggang batok na iyon.

“At nakuha namin in one take. Tinotoo talaga na batok. May alalay nang malala pero kinailangan talaga dumikit para maganda rin ‘yung pagkahulog ng ulo ni Ate Jodi,” kuwento ni Sue.

Chika pa ni Sue, matagal na siyang ‘faney’ ni Jodi, na tipong nagbibisikleta pa siya patungo sa shooting location nito para lamang makapagpa-picture dito.

Sino raw ba ang mag-aakalang ang dating hinahangaan lamang niya, ngayon ay nakatrabaho at naka-eksena na, plus nabatukan pa?

“Si Ate Jodi po talaga, wala po ako masabi. Napakabuti po tao. Napakabuti po ng kanyang puso, ng kanyang isip. Hindi po siya nagagalit. Palagi lang siyang kalmado.

“Siya ‘yung unang kakalma sa mga tao. Siya ‘yung unang magsasabi na, ‘We can do this altogther. We will help each other.’ Yayakapin kami niyan ni Ate Jodi ‘pag umiiyak kami,” bida pa niya.

Magsisimula na ang ‘The Broken Marriage Vow’ sa Kapamilya Primetime Bida sa Enero 24 na mapapanood sa mga platforms ng ABS-CBN.

Tags: Jodi Sta. MariaSue RamirezThe Broken Marriage Vow
Previous Post

Mayor Francis, nagdeklara ng 1-linggong health break sa San Juan

Next Post

DOH, nakapagtala ng panibagong record high na kaso ng COVID-19

Next Post
‘Pinas, nakapagtala ng 433 bagong kaso ng COVID-19

DOH, nakapagtala ng panibagong record high na kaso ng COVID-19

Broom Broom Balita

  • ‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle
  • John Lapus, may pasaring sa mga artistang lumipat ng network pero may pending show pa
  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.