• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga bakunadong indibidwal, nararapat mabigyan ng incentives– Mayor Isko

Balita Online by Balita Online
January 15, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mga bakunadong indibidwal, nararapat mabigyan ng incentives– Mayor Isko

PHOTO FROM MAYOR ISKO MORENO’S FACEBOOK PAGE/ MANILA BULLETIN

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Karapat-dapat na mabigyan ng insentibo mula sa gobyerno ang mga indibidwal na piniling magpabakuna laban sa COVID-19, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa isang panayam, sinabi ni Domagoso na hindi patas para sa mga taong nagsikap para lamang mabakunahan kung hindi makakakuha ng anumang insentibo mula sa gobyerno.

“Di ba unfair sa kanya ‘yun? Yung taong pumila tapos bibigyan natin ng bonus ‘yung tolongges? Bibigyan pa natin ng bonus ‘yung matigas ang ulo. Maling gobyerno ata ‘yun? Para sa akin ha, ‘yun ang opinyon ko. Mali ang gagawin ng gobyerno kapag hinihikayat ng isang ahensya ng gobyerno na bigyan ng bonus ‘yung matitigas ang ulo. Dapat bigyan ng bonus ‘yung mga masusunurin, ‘yung mga mabubuti,” ani Domagoso.

Binanggit niya na ilang tao ang pumila ng alas-4 ng madaling araw sa iba’t ibang vaccination centers para lamang makapagbakuna.

Samantala, sinabi ni Domagoso na hindi titigil ang Pamahalaang Lungsod na makipag-ugnayan sa mga hindi pa nababakunahan.

“Ang mabuting mamamayan ay sumusunod sa alituntunin, nagiging responsable sa sarili n’ya, nagiging responsable sa pamilya nya, nagiging responsable sa komunidad n’ya, ‘yun ang isang pagiging mabuting mamamayan. At hindi ka makakapamuhay sa mundong ito ng para sa sarili lamang. Kailangan mo makipag-kapwa tao, kailangan mo makiisa, kailangan mo tumugon at kailangan mo umaksyon. So be responsible,” aniya.

Tiniyak din ng alkalde na patuloy niyang gagawing mas accessible ang pagbabakuna at pagkuha ng mga booster shot para sa mga residente at hindi residente ng lungsod.

“We try to make the vaccine whether first dose, second dose, or booster available kung paano magiging convenient sa tao. May health center, sa eskwelahan, sa malls, sa ospital, sa drive-thru. So, nag-iisip pa kami ng ibang paraan paano mailapit sa tao ‘yung access to vaccines,” aniya.

Ang lungsod ng Maynila ay nakapagtala ng 4,102 na aktibong kaso na mayroong 92,995 recoveries, at 1,792 deaths nitong Biyernes, Enero 14.

Jaleen Ramos

Tags: COVID-19COVID-19 vaccineincentivesManila Mayor Isko Moreno
Previous Post

Paglobo ng kaso sa Baguio, asahan pa

Next Post

Bagong bahay ni Madam Inutz, may disenyo na; may bago ring negosyo

Next Post
Bagong bahay ni Madam Inutz, may disenyo na; may bago ring negosyo

Bagong bahay ni Madam Inutz, may disenyo na; may bago ring negosyo

Broom Broom Balita

  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.