• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Xian Gaza, inurirat si Ion; magkano ang ambag sa ₱500K ni Vice Ganda?

Richard de Leon by Richard de Leon
January 12, 2022
in Showbiz atbp.
0
Xian Gaza, inurirat si Ion; magkano ang ambag sa ₱500K ni Vice Ganda?

Vice Ganda, Ion Perez, at Xian Gaza (Larawan mula FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang ang mag-jowang sina Vice Ganda at Ion Perez naman ngayon ang nasa highlight ng ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza, matapos niyang pabirong kuwestyunin kung magkano umano ang tunay na ambag ni Ion sa ibinagsak na ₱500K ng dalawa, para sa benefit digital concert ng ABS-CBN para sa mga hinagupit ng bagyong Odette.

Matatandaang sa halip na ₱100K gaya ng hirit ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kaibigang Unkabogable Star, ₱500K ang ibinigay ng couple, nang awitin ng Songbird ang kaniyang request song na ‘Follow the Sun.’

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/vice-ganda-ion-500k-ang-ibinagsak-para-sa-mga-hinagupit-ng-bagyong-odette/

Ibinahagi naman ni Xian Gaza sa kaniyang Facebook post ang kaniyang komento sa balitang ito. Nai-screengrab niya ang sariling komento sa lumabas na pubmat ng isang balita.

Tanong niya, “Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa ₱500K. Charot!”

Ngunit kumambyo at nagpasalamat naman si Xian sa mag-jowa.

“Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!”

May be an image of 2 people, people standing and text that says '< NEWS5 News5 3h ·· VICE GANDA AT ION PEREZ, NAG-DONATE NG P500,000 PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ODETTE Nagbigay ng kalahating milyong piso sina Vice Ganda at lon Perez sa online benefit concert Regine Velasquez para sa mga biktima ng bagyong Odette. News5Everywhere @news5ph Like News5 com. ph Comment 3.6K Share 31 Shares Most relevant Christian Albert Gaza Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa 500K. charot! Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!'
Vice Ganda at Ion Perez (Screengrab mula sa FB/Xian Gaza)

Sa comment section naman, sinabi ni Xian na huwag sanang magalit ang dalawa o ang publiko sa kaniya. Nais lang daw niyang malaman kung magkano ang hatian ng dalawa sa ibinagsak na pera. Nilinaw ng negosyante/social media personality na isa lamang itong ‘pure humor.’

“No hate. Just pure humor. If you find it very offensive sa part ni Ion, here’s the logic: Magiging conjugal lamang ang isang donation kung kayong dalawa ay kasal na. Hangga’t hindi pa kayo kasal, yung financial donation ninyo ay titignan as separate amounts. Ang tanong ngayon, sa ₱500K na ‘yan… magkano yung galing kay Vice at magkano yung galing kay Ion?”

Hirit pa ni Xian, “Hoy hindi ako hater ni Ion ha? Siguro nagseselos lang ako OMG.”

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, sa isa pang Facebook post ay ibinahagi ni Xian ang kaniyang paniniwala tungkol sa pagbo-broadcast ng pagtulong sa kapwa.

“DOON SA MGA TAONG NAGSASABI NA KAPAG TUMUTULONG KA EH DAPAT SARILIHIN MO NA LANG AT HUWAG I-BROADCAST SA LAHAT, ITO ANG TANONG KO SA INYO NGAYON: SAAN N’YO NAMAN NATUTUNAN ‘YAN HA? SAAN N’YO NABASA ‘YAN? SA BIBLIA? EH BAKIT SI HESUS KAPAG NATULONG SA KAPWA EH MOST OF THE TIME AY SA PAMPUBLIKONG LUGAR HA?”

“KAYA NGA NAISULAT SA BIBLIA YUNG MGA GOOD DEEDS NIYA KASI NGA MARAMING NAKAKITA ‘DI BA? ALAM N’YO KUNG BAKIT WALA KAYONG PAG-UNLAD SA BUHAY AT NANANATILING MAHIRAP? KASI YUNG MINDSET NA ISINASABUHAY N’YO AY OUTDATED NA AT HINDI NA AKMA SA TAONG 2022.”

“WALANG MASAMA KUNG TUTULONG KA TAPOS IPAGSIGAWAN MO SA MUNDO. ANG MASAMA EH YUNG PUTAK KA NANG PUTAK HABANG IKAW AY ISANG DUKHA MARALITA HAMPASLUPA NA WALANG PANTULONG SA KAPWA.”

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang tugon sina Vice Ganda o Ion sa tanong ni Xian.

Tags: Ion Perezvice gandaXian Gaza
Previous Post

Ayn Bernos, Hidilyn Diaz, nag-ala miyembro ng ‘Madrigal Family’ ng Disney Encanto

Next Post

COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 4.69 — OCTA Research

Next Post
COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 4.69 — OCTA Research

COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 4.69 -- OCTA Research

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.