• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vice Ganda, Ion, ₱500K ang ibinagsak para sa mga hinagupit ng bagyong Odette

Richard de Leon by Richard de Leon
January 12, 2022
in Showbiz atbp.
0
Vice Ganda, Ion, ₱500K ang ibinagsak para sa mga hinagupit ng bagyong Odette

Vice Ganda at Ion Perez (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi ₱100K kundi ₱500K ang ibinigay ng magjowa at ‘It’s Showtime’ hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez para sa fund-raising ng benefit digital concert series na isinasagawa ng ABS-CBN para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Odette, na nangyari noong Disyembre 2021.

Ang 10-night ‘By Request’ digital concert ay sinimulan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, kung saan umawit siya sa loob ng dalawang oras, na umere naman sa mga opisyal na social media accounts ng ABS-CBN, gayundin sa Kumu.

Screengrab mula sa IG/Regine Velasquez

Isa sa mga nanood na celebrity ay ang faney na faney ni Ate Reg na si Vice, na ngayon ay isa sa mga malalapit na niyang kaibigan at kasama sa concerts.

Matapos ang request ni Vice kay Reg ng awiting ‘Follow the Sun’, biniro ng Songbird ang Unkabogable Star na mag-donate siya ng ₱100K.

Maya-maya, inihayag ng host nito na si Darla Sauler, na nag-pledge si Vice at ang jowa nitong si Ion, hindi ₱100K kundi ₱500K!

Agad na nagpasalamat si Regine kay Vice at biniro pa itong mag-request pa ng mga kanta.

Iba-ibang featured performers ang aabangan at aawit sa ‘By Request’ tuwing 8:00 ng gabi, hanggang Enero 18.

Mapupunta ang makakalap na pondo sa ABS-CBN Foundation, partikular sa ‘Tulong-Tulong sa Pag-ahon’ campaign para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Tags: By RequestIon Perezregine velasquezvice ganda
Previous Post

Babala ng BSP: Pag-iimprenta ng pera, bawal

Next Post

Ayn Bernos, Hidilyn Diaz, nag-ala miyembro ng ‘Madrigal Family’ ng Disney Encanto

Next Post
Ayn Bernos, Hidilyn Diaz, nag-ala miyembro ng ‘Madrigal Family’ ng Disney Encanto

Ayn Bernos, Hidilyn Diaz, nag-ala miyembro ng 'Madrigal Family' ng Disney Encanto

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.