• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris Aquino, ibinida ang pa-libreng 800 COVID-19 antigen test kits, cheese pandesal kahit may sakit

Richard de Leon by Richard de Leon
January 12, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kris Aquino, ibinida ang pa-libreng 800 COVID-19 antigen test kits, cheese pandesal kahit may sakit

Kris Aquino (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang huling Instagram post tungkol sa kumpirmasyon ng hiwalayan nila ng dating fiancé na si Mel Sarmiento, nagbigay ulit ng panibagong update si Queen of All Media Kris Aquino hinggil sa kaniyang health condition.

Aminado si Krissy na malayo pa sa okay ang kaniyang kalagayan. Kalakip ng kaniyang IG post ang litrato niya kasama ang kaniyang attending nurse na umaasikaso sa kaniya, gayundin ang mga ‘resibo’ ng kaniyang pagtulong habang nagpapagamot.

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa,” aniya sa kaniyang latest IG post.

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” aniya.

Makikita sa isa sa mga quote cards na ibinahagi ni Tetay ang ‘resibo’ ng kaniyang pagbibigay ng 800 praso ng antigen test para sa mga empleyado ng Bureau of Immigrations/BUKLOD-CID members, noong Enero 7.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Bukod doon, nagbigay rin siya ng 10,000 cheese pandesal para sa mga empleyado, pasyente, at kanilang mga kasama sa Philippine General Hospital o PGH. Gagawin niya raw ito sa 10 consecutive Wednesdays na nagsimula na ngayong Enero 12.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Request ni Tetay, “Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.”

Patuloy na lumalaban at nagpapalakas si Krissy para sa dalawang lalaki sa buhay niya ngayon; ang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby. Hindi umano siya susuko sa pakikipaglaban sa kaniyang karamdaman.

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because I have Kuya Josh & Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”

Tags: kris aquino
Previous Post

Peak ng COVID-19 cases sa PH, ‘premature’ pang sabihin sa ngayon — DOH, WHO

Next Post

Contract tracing ng gov’t, nahahadlangan kasunod ng pagbabawas ng pondo — DILG

Next Post
OCTA, nakita ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila

Contract tracing ng gov't, nahahadlangan kasunod ng pagbabawas ng pondo -- DILG

Broom Broom Balita

  • Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’
  • Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’
  • Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit
  • Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos
  • Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo
Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

May 26, 2022
Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

May 26, 2022
Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

May 26, 2022
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

May 26, 2022
Mayor Isko: Bago at modernong Manila Zoo, matatapos na ngayong taon

Habang libre pa ang entrance: Domagoso, hinihikayat ang publiko na bumisita sa Manila Zoo

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.