• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vice Ganda, ipinahinto ang ‘maalog’ na sayaw ng contestant sa Sexy Babe: ‘Mag-drawing ka na lang’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 10, 2022
in Showbiz atbp.
0
Vice Ganda, ipinahinto ang ‘maalog’ na sayaw ng contestant sa Sexy Babe: ‘Mag-drawing ka na lang’

Vice Ganda at Sexy Babe contestant (Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Viral ngayon sa social media ang biglang pagpapatigil ni ‘It’s Showtime’ host Vice Ganda sa pagsayaw ng isang contestant sa pinakabagong segment ng noontime show: ang ‘Showtime Sexy Babe.’

Upang maipamalas ang kaniyang talento sa pagsayaw, makikitang todo-hataw ang babaeng contestant sa saliw ng awiting ‘Bad Romance’ ni Lady Gaga habang nakabikini.

Maya-maya ay itinodo nito ang pagbayo sa kaniyang may kalakihang dibdib kaya agad na lumapit si Vice Ganda upang pahintuin ito.

“Ate, ate, wait lang ate…” sansala ni Vice.

“Puwede bang mag-drawing ka na lang? Ok ka naman do’n? Ok ka ba ro’n?” dagdag pa ng natatawang TV host. Mukhang natawa rin naman ang contestant at hindi na-offend sa ginawa ni Vice.

Screengrab mula sa Tiktok/YT/Kapamilya Online Live

Ginawa ni Vice ang maagap na pagpapahinto sa contestant dahil sila ay napapanood sa noontime at baka matawag ang atensyon nila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Isa pa, napapanood ang ‘It’s Showtime’ sa A2Z Channel 11, na isang religious channel, na pagmamay-ari ni Bro. Eddie Villanueva ng ‘Jesus Is Lord’ Church (JIL).

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen:

“Daming tawa, si ate naman eh noontime show yan eh.”

“Nakalimutan ni ate na noontime show yung sinalihan niya.”

“Kaloka si ate, wala na nga franchise mapapasuspende pa ang Showtime.”

“I think napa-comment lang si Vice nang ganyan kasi natatakot siya baka magka-anomalya sa suot niya dahil sa step niya. Pati nga ako kinabahan.”

“Tawang-tawa ko potek!! Mag-drowing na lang daw.”

Tags: It's ShowtimeSexy Babevice ganda
Previous Post

Ai-Ai, todo-iyak; pinakitaan ng ‘nota’ sa eroplano ng katabing pasahero

Next Post

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, umabot na sa 2,000

Next Post
Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, umabot na sa 2,000

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, umabot na sa 2,000

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.