• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Ai-Ai, todo-iyak; pinakitaan ng ‘nota’ sa eroplano ng katabing pasahero

Richard de Leon by Richard de Leon
January 10, 2022
in Showbiz atbp.
0
Ai-Ai, todo-iyak; pinakitaan ng ‘nota’ sa eroplano ng katabing pasahero

Ai-Ai Delas Alas (Larawan mula sa IG/Ai-Ai Delas Alas via PEP)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inireklamo ni Kapuso Comedy Queen Ai-Ai Delas Alas ang nakatabi niyang ‘exhibitionist’ na pasahero habang nakasakay siya sa eroplano galing sa Dulles Airport sa Dulles, Virginia, USA para umuwi sa Pilipinas, noong Enero 7, 2022 (Biyernes ng gabi, PST).

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Ai-Ai, inilabas daw ng katabi niyang pasahero ang kaniyang ‘nota’ at ipinakita sa kaniya. Natakot umano ang Comedy Queen kaya tumayo siya at isinumbong ito sa flight attendant. “

Chika pa ni Ai-Ai, akala nga raw niya ay hindi siya naintindihan ng flight attendant, ngunit estilo lang pala niya iyon para hindi magkaroon ng komosyon. Kaya pinalipat na lamang siya sa ibang upuan. Iyak daw siya nang iyak ng halos dalawang oras. Awang-awa umano si Ai-Ai sa kaniyang sarili, lalo’t hindi niya kasama ang mister na si Gerald Sibayan.

Humingi rin ng saklolo si Ai-Ai sa nakatabing lalaking pasahero sa nilipatan niyang upuan. Nagbigay siya ng isang note na nakalagay ang pahayag na ‘Pagbaba natin, puwede po bang tulungan n’yo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako.’

Iyon pala ay naiintindihan naman umano siya ng flight attendant at nilapitan siya. Sinabi nito sa kaniya na pagbaba ng eroplano, kukunin na ito ng pulis at uuriratin ng FBI dahil federal offense pala iyon.

Kuwento ni Ai-Ai, nang magpatay na raw ng ilaw ang eroplano para sa limang oras na biyahe, napansin niya sa peripheral vision niya na parang hindi mapakali ang katabing pasahero.

Ang komedyana naman, abala sa pag-browse ng kaniyang cellphone. Maya-maya, napansin niya na inilabas nito ang notabels at pinaglalaruan na habang nakatingin sa kaniya.

Napasabi ng ‘What?’ si Ai-Ai at parang lalong ginanahan ang exhibitionist.

Hindi na ito natiis ng Comedy Queen at tumayo na siya upang isumbong ang lalaki sa flight attendants.

Paglapag ng eroplano, hindi muna pinababa ang mga pasahero. Umakyat ang mga airport police at sinukol ang naturang lalaki, pinosasan, upang maimbestigahan.

Takot na takot umano si Ai-Ai sa kaniyang karanasan. Dalawang oras umano siyang nag-iiiyak.

Nagawa niyang makuhanan ng litrato ang naturang exhibitionist, ayon na rin sa payo ng kaniyang mister.

Larawan mula kay Ai-Ai Delas Alas via PEP

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Ai-Ai ang kaniyang nakawiwindang at nakatatakot na karanasan.

“Mahirap ipaliwanag ang naramdaman ko sa encounter ko na ito mega iyak ako… nagpapasalamat ako kay LORD AND MAMA MARY na hindi niya ko nahawakan, grabe na-experienced ko kaka-trauma… at least safe ang flight ko, hays,” caption ni Ai-Ai sa kaniyang IG post.

Agad namang nagbigay ng komento rito ang mga sikat na personalidad na kaibigan ni Ai-Ai gaya ni The Feast builder at spiritual leader Bo Sanchez at mahusay na kontrabida actress na si Princess Punzalan na isang nurse sa US.

Bo Sanchez: “I thank God your area (is) safe.”

Princess Punzalan: “Thank God at di ka niya nahawakan. Grabe, ang daming luku-luko ngayon!!! (Explanation: I “liked” the post kasi di ka napaano. Pero imbyerna ako at ang bastos niya!) Sending you hugs, Ai-Ai…”

Screengrab mula sa IG/Ai-Ai Delas Alas

Ibinahagi rin ni Ai-Ai ang screengrab ng video call nila ng asawa at makikitang walang make-up si Ai-Ai at mugto ang kaniyang mga mata at hindi na nakapagsuklay pa.

Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan (Larawan mula sa IG/Ai-Ai Delas Alas via PEP)
Tags: Ai-Ai Delas Alasexhibitionist
Previous Post

Senator Pangilinan, nag-positive sa virus

Next Post

Vice Ganda, ipinahinto ang ‘maalog’ na sayaw ng contestant sa Sexy Babe: ‘Mag-drawing ka na lang’

Next Post
Vice Ganda, ipinahinto ang ‘maalog’ na sayaw ng contestant sa Sexy Babe: ‘Mag-drawing ka na lang’

Vice Ganda, ipinahinto ang 'maalog' na sayaw ng contestant sa Sexy Babe: 'Mag-drawing ka na lang'

Broom Broom Balita

  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
  • UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.