• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Sigalot nina Obiena at PATAFA chief Juico, handang silipin ng Senado

Balita Online by Balita Online
January 6, 2022
in National, Sports
0
Sigalot nina Obiena at PATAFA chief Juico, handang silipin ng Senado
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakahandang imbestigahan ng Senado ang sigalot sa pagitan ni Olympian pole vaulter EJ Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) upang matukoy kung kailangan magkaroon ng maayos na alituntunin sa paghawak ng pondo ng mga atleta.

Hindi maitagao ni Senador Christopher Lawrence Go, chairman ng Senate Committee on Sports, ang kanyang pagkadismaya sa isyu dahil sa halip aniya na suportahan si Obiena, mistula pa itong iniipit ng grupo ni PATAFA President Philip Ella Juico.

“I am disappointed that these issues are taking the attention away from the support and praise that should be given to world-class and promising pole vaulter EJ Obiena. As the country’s pride, he has the weight of a whole nation on his shoulders. The least we can do is unburden him with these issues,” sabi pa nito.

Pinayuhan naman ni Senate President Vicente Sotto si Obiena na ituon ang pansin sa kanyang mga ensayo at hayaan muna ang isyu habang sinabihan naman nito ang PATAFA na pwede naman nilang naayos ang gusot na hindi inihayag sa media.

Nauunawaan aniya nito ang buhay ng atleta, dahil minsan na rin siyang kumatawan sa bansa sa mga internasyunal na torneo sa larong bowling at napakahirap ding mahiwalay sa pamilya.

Nag-ugat ang usapin dahil sa alegasyon ni Juico na hindi binabayaran ni Obiena ang Ukranian coach nito na si Vitaly Petrov at pagsusumite nito ng umano’y palsipikadong liquidation papers sa PATAFA kamakailan.

Leonel Abasola

Previous Post

Anjo Yllana, umatras nga ba sa halalan dahil sa alok na ₱5 milyon ng kalaban?

Next Post

Paolo Contis, may sinabihang ‘Mahal na mahal kita… as a friend’; sino siya?

Next Post
Paolo Contis, may sinabihang ‘Mahal na mahal kita… as a friend’; sino siya?

Paolo Contis, may sinabihang 'Mahal na mahal kita... as a friend'; sino siya?

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.