• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Paolo Contis, may sinabihang ‘Mahal na mahal kita… as a friend’; sino siya?

Richard de Leon by Richard de Leon
January 6, 2022
in Showbiz atbp.
0
Paolo Contis, may sinabihang ‘Mahal na mahal kita… as a friend’; sino siya?

Paolo Contis, Mama Loi, Tita Jegs, at Ogie Diaz (Larawan mula sa YT/Showbiz Update)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Hindi lang siya basta showbiz friend… a good friend of mine, and I’m very happy na parte ka ng buhay ko… basta mahal na mahal kita… as a friend, ha?”

Iyan ang madamdamin at sinserong pahayag at pagbati ng Kapuso actor na si Paolo Contis, para sa kaniyang mabuting kaibigan sa showbiz, na walang iba kundi ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Enero 2, 2022.

Tawang-tawa naman si Ogie nang marinig ang biro ng kaibigang si Paolo sa kaniya, na nagpadala ng video message para sa kaniyang kaarawan, na inihatid sa kaniya sa January 5 episode ng ‘Showbiz Update’ niya, na kaniyang entertainment/showbiz vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Paolo Contis (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update)

Matapos umere ang sorpresang video message ni Aiko Melendez, sumunod namang umere ang video message ni Paolo Contis para kay Ogie.

Dito ay tila ‘nadulas’ sila na nasa Boracay nga si Paolo.

“Hiningan namin siya ng message for you!” masayang bungad ni Mama Loi.

“Sino?” sabi na tanong ni Ogie.

“Si Paolo! Kahit nasa Bora siya…” saad naman ni Mama Loi.

At umere na nga ang birthday greetings ni Paolo para kay Ogie.

“Happy Happy birthday to you, pare, alam mong sobrang happy ako sa narating mo, and I’m excited to see you next week para makapagkuwentuhan tayo at makapag-usap. Always remember I’m here for you,” wika pa ni Paolo.

Panahon pa raw ng soap operang ‘Mara Clara’ ay talagang paborito na ni Ogie si Paolo, hanggang sa maging mas malapit sila sa ‘Tabing-Ilog’ noong nasa ABS-CBN pa si Paolo.

Nang mabanggit ni Paolo ang ‘Mahal na mahal kita as a friend’ ay nagkatawanan ang tatlong hosts. Ang ‘as a friend’ kasi ay tumatak na kay Paolo sa pagdepensa niya sa akusasyon ng mga netizen na ang third party umano sa hiwalayan nila ng longtime partner na si LJ Reyes ay si Yen Santos.

Kamakailan lamang, bago matapos ang 2021, ay muling pinag-usapan ng mga netizen ang umano’y pagtungo sa Boracay nina Paolo at Yen.

Naisyu pa na buntis si Yen dahil para umanong may baby bump na ito batay sa suot na damit. Paliwanag naman ni Paolo, mahangin lang daw ng mga panahon na iyon kaya nagmukhang mataba ang kaibigang si Yen.

“Gustong-gusto ko ang mukha ni Paolo, kaya ako ang pinaka-close niya na reporter sa nanay niya. At sinabi nga sa akin ni Paolo na ‘Wala na akong pakialam sa ibang reporter, ang importante eh ikaw, ikaw ang pangkalahatan nila'” sabi raw ni Paolo kay Ogie.

Ganting tugon ni Ogie kay Paolo, “Mahal (din) kita… as a friend!”

Mama Loi, Tita Jegs, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update)

Sa huli ay sinabihan ni Ogie si Paolo na lagi itong mag-iingat.

Tags: Ogie DiazPaolo ContisShowbiz Update
Previous Post

Sigalot nina Obiena at PATAFA chief Juico, handang silipin ng Senado

Next Post

Cindy Miranda, takot makipag-jugjugan sa kotse: ‘Baka mahuli ako’

Next Post
Cindy Miranda, takot makipag-jugjugan sa kotse: ‘Baka mahuli ako’

Cindy Miranda, takot makipag-jugjugan sa kotse: 'Baka mahuli ako'

Broom Broom Balita

  • Safety officer, 2 pa arestado sa ₱325K ‘shabu’ sa Las Piñas
  • Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan
  • Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH
  • “Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang sana”—Sharon Cuneta
  • Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas
Safety officer, 2 pa arestado sa ₱325K ‘shabu’ sa Las Piñas

Safety officer, 2 pa arestado sa ₱325K ‘shabu’ sa Las Piñas

May 17, 2022
Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan

Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH

May 17, 2022
“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang  sana”—Sharon Cuneta

“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang sana”—Sharon Cuneta

May 17, 2022
Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas

Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas

May 17, 2022
Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

May 17, 2022
Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

May 17, 2022
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

May 17, 2022
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.