• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Ogie Diaz sa pregnancy rumor kay Liza Soberano: ‘It’s a no for now’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Ogie Diaz sa pregnancy rumor kay Liza Soberano: ‘It’s a no for now’

Ogie Diaz at Liza Soberano (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si Ogie Diaz na talent manager ni Kapamilya actress Liza Soberano ang bumasag sa espekulasyong buntis ang kaniyang alaga, at syempre, ang itinuturong ama ay ang katambal nito at kasintahang si Enrique Gil.

Marami umano sa mga netizen ang nakapansin na para bang may baby bump na si Liza, batay sa ibinahagi umano nitong litrato sa social media, noong Pasko.

Enrique Gil at Liza Soberano (Larawan mula sa IG)

“Siyempre, si Liza po ay hindi buntis pero magkasama sila ni Quen (Enrique Gil sa U.S. kasama si Justin, ‘yung brother ni Liza. So dinalaw nila at dinamayan ‘yung lola nila,” ayon sa episode ng showbiz vlog ni Ogie na ‘Showbiz Update’ noong Disyembre 31, 2021.

Aniya, nagmukha lang malaki sa litrato ang sinapupunan nito subalit hindi umano ito buntis kaya tigilan na umano ang ‘pangma-Marites’ sa kaniyang alaga.

Pero in the near future daw, kung sakaling magdesisyon na sina Enrique at Liza na itaas sa ibang antas ang kanilang relasyon, iba na raw ang magiging sagot. Mukha raw kasing hindi na mapaghihiwalay pa ang dalawa.

“Yung ang daming naiisip, naiisip nila ‘yan. Hayaan po natin. Someday, dahil sila naman ni Enrique ay talagang mukhang hindi na mapaghihiwalay, darating din tayo diyan. Pero for now, it’s a no.”

Matatandaang noong Disyembre 18 ay hindi nakasama sa taunang ABS-CBN Christmas Special sina Liza at Enrique dahil sa isang family emergency.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/19/lizquen-no-show-sa-abs-cbn-christmas-special-ano-ang-dahilan/

Sinamahan ni Enrique ang kaniyang jowa sa Amerika para makasama ng nobya ang maysakit nitong lola na nag-alaga sa kaniya noong paslit pa lamang siya.

Liza Soberano at Enrique Gil (Larawan mula sa IG)

“Hello everyone! As much as @itsenriquegil and I would’ve loved to be at the ABS-CBN Christmas Special this year, we won’t be able to make it due to unforeseen circumstances. We really wanted to be there for all of you and we were ecstatic to see our Kapamilya whom we missed dearly,” aniya sa isang tweet.

Tags: Enrique GilLiza Soberano
Previous Post

14 pang fireworks-related injuries, naitala ng DOH; kabuuang bilang, nasa 167 na

Next Post

Ikot-ikot lang? PH, nasa ‘high-risk’ muli para sa COVID-19 – DOH

Next Post
COVID-19 cases sa buong bansa, maaaring sumipa sa higit 2,500 ngayong araw — OCTA

Ikot-ikot lang? PH, nasa ‘high-risk’ muli para sa COVID-19 – DOH

Broom Broom Balita

  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.