• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Janno Gibbs, nag-walk out nga ba sa presscon ng pelikula?

Richard de Leon by Richard de Leon
December 29, 2021
in Showbiz atbp.
0
Janno Gibbs, nag-walk out nga ba sa presscon ng pelikula?

Giselle Sanchez at Janno Gibbs (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Na-offend nga ba ang actor-singer na si Janno Gibbs sa naganap na digital press conference para sa pelikulang ‘Sanggano, Sanggago, at Sanggwapo’ na pinagbibidahan nila nina Dennis Padilla at Andrew E?

Naungkat kasi ng host nito na si Giselle Sanchez ang isang pangyayari sa buhay ng aktres na si Bing Loyzaga, misis ni Janno. Nagkabiruan kasi nang tanungin ni Dennis si Giselle kung sino-sino raw sa mga lead stars ang puwedeng maging boyfriend, ka-one night stand, o ka-MU lang o mutual understanding.

Tumatawang sinabi ni Giselle na wala raw subalit iginiit ni Dennis na katuwaan lang ito.

Sabi ni Giselle, dahil matagal na niyang kaibigan si Dennis, ito na lang daw ang bf material. Platonic lang daw at parang MU lamang. Hindi rin daw puwede ang kissing.

Si Andrew naman daw ang tipong pang-one night stand.

Hirit ni Dennis, “Pag si Janno naka one-night stand mo, talagang mapapa-I love you ka diyan!”

At nabanggit umano ni Giselle ang tungkol kay Bing.

“Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga, I know from history. hahahahaha! May sinipa na ‘yan sa recording studio. Hindi ako naninira nasabi ko lang na malakas siyang sumipa.”

Natanong naman kung sino ang personalidad na nasipa nito sa recording studio.

“Ayoko nga! Matagal na ‘yun! Past is past! Ano Janno? Ninerbyos ka ba Janno? hahahahaha!”

Umalis daw si Janno.

“Joke lang ‘yun, Janno! Janno bumalik ka! Galit ba talaga siya? Janno balik! Balik! Nagjo-joke lang ako. Haha.”

Ngunit makalipas daw ang halos isang oras ay hindi pa rin bumalik si Janno, at hindi raw umano nito sinasagot ang mga tawag ni Giselle.

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Janno tungkol sa isyung ito.

Tags: Giselle Sanchezjanno gibbswalk-out issue
Previous Post

Kampo ni Bongbong, naghain na ng sagot sa disqualification petitions

Next Post

Eric ‘Eruption’ Tai, pumalag sa mga nag-body shame sa misis niya

Next Post
Eric ‘Eruption’ Tai, pumalag sa mga nag-body shame sa misis niya

Eric 'Eruption' Tai, pumalag sa mga nag-body shame sa misis niya

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.