• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Eric ‘Eruption’ Tai, pumalag sa mga nag-body shame sa misis niya

Richard de Leon by Richard de Leon
December 29, 2021
in Showbiz atbp.
0
Eric ‘Eruption’ Tai, pumalag sa mga nag-body shame sa misis niya

Eric Tai at Rona Samson-Tai (Larawan mula sa FB/Eric Tai/Rona Samson-Tai)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pinalagpas ni Filipino-Tongan actor, model, TV host, comedian at rugby union player Eric ‘Eruption’ Tai ang mga netizens na nag-body shame sa kaniyang misis na si Rona Samson-Tai, isang ‘plus-size model’, matapos niyang mag-post ng Christmas greetings sa kaniyang social media accounts para sa Kapaskuhan.

“From the bottom of my maskels, a SAFE & BLESSED-MERRY CHRISTMAS to your family from mine!” caption ni Eric sa kaniyang social media posts, kalakip ang larawan nila ng kaniyang misis na nakasuot ng red swimsuit, at kanilang anak na lalaki.

Screengrab mula sa FB/Eric Tai
May be an image of 3 people, people standing and pool
Eric Tai, Rona Samson-Tai, at kanilang anak (Screengrab mula sa FB/Eric Tai)

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa kanila, subalit marami rin ang pumuna sa katawan ng kaniyang misis. Komento ng mga netizen, bakit daw hindi turuan ni Eric na maging fit ang kaniyang asawa.

“Why bro, you can advise someone who can work out, but your wife can’t teach her to be fit.”

“Pag-exercisesin mo naman ‘yung asawa mo, lods. Idamay mo naman siya sa pagka-healthy mo.”

“Bakit hindi mo turuan ang misis mo na maging fit kagaya mo?”

Malumanay namang sinagot ni Eric ang mga netizen na nanlalait sa kaniyang misis. Ipinagmalaki niya na isang model ang kaniyang asawa.

“She’s one of Philippines most sought-after plus-size model. Actually one of the best. You’ll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM & many more advertisements, prints and commercials,” sey ni Eric.

May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Rona Samson Tai at Eric Tai (Larawan mula sa FB/Rona Samson-Tai)

Sa isa pang hiwalay na post, saad pa niya na “Pag mataba ka, hindi ibig sabihin unhealthy ka.”

Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon kay Eric at nagpaalala na hindi tama ang body shaming.

“Merry Christmas, you have an amazing family and you have the most beautiful wife because you love her!”

“You have the sexiest woman in the world bro because you love her so much! Merry Christmas to your family and keep inspiring Filipino people! Thank you for being you all the time.”

“Sa nagsasabi na dapat niya baguhin yung wife niya to be fit… Hindi naman po palaging ganon… if you love your wife, you do not have to ask her to change her appearance just to please the audience. In fact, his wife is beautiful and sexy inside out. She is more than enough…. #womenempowerment.”

Maging si Rona ay nag-post din sa kanyang social media accounts tungkol sa insidente.

“To everyone that body shamed me on my husband’s recent Christmas post. My prayer for you is to find true & unconditional love. Not just from your significant other, but also from yourself.”

“Love yourself enough even if you’re going through something that you will see it’s beauty and strength despite it’s imperfection.”

“Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t faze me!”

May be an image of 1 person, standing and outdoors
Rona Samson-Tai (Larawan mula sa FB/Rona Samson-Tai)

Sinagot din niya ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkakaroon ng sakit dahil sa plus-size body, sa isa niyang hiwalay na post.

“Medyo bias sa post. Tanggapin na lang nating mga medyo malusog na kailangan nating magbawas ng timbang. Yun ang reality. Wala din akong bisyo, may exercise naman ako pero may sakit pa rin ako dahil sa mabigat na timbang.”

Tugon niya: “If they choose to, yes absolutely. But they should do it because they love themselves. And never let their body shape be the basis of their happiness.”

Tags: body shamingEric TaiRona Samson-Tai
Previous Post

Janno Gibbs, nag-walk out nga ba sa presscon ng pelikula?

Next Post

Rona Samson-Tai, may paalala sa mga body shamers: ‘Practice kindness to others’

Next Post
Rona Samson-Tai, may paalala sa mga body shamers: ‘Practice kindness to others’

Rona Samson-Tai, may paalala sa mga body shamers: 'Practice kindness to others'

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.