Sinubukan ng Pasay City government na magsagawa ng mock elections nitong Miyerkules, bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Isinagawa ang nasabing kunwaring halalan sa Pasay City West High School nitong Disyembre 29 umaga.
Ito ay matapos payagan ng Commission on Elections (Comelec) na makabahagi sa naturang halalan ang dalawang lugar sa siyudad, kabilang ang Brgy. 76 at Brgy. 110 sa unang Distrito nito.
Sinabi ni Comelec officer Atty. Ronald Santiago, aabot sa 400 residente ang pinayagang makibahagi sa nabanggit na mock elections kung saan ipinatupad din ang mahigpit na minimum public health standards upang makaiwas sa pagkahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bella Gamotea