• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Alwyn sa kaarawan ni Jennica: ‘Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos’

Richard de Leon by Richard de Leon
December 28, 2021
in Showbiz atbp.
0
Alwyn sa kaarawan ni Jennica: ‘Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos’

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco, Athena Mori at Alessi (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tuluyan na ngang nagkaayos at nagkabalikan ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Kompleto ang kanilang pamilya na nagdiwang ng Pasko, na ibinahagi ni Alwyn sa kaniyang Facebook post.

“Thank you Lord for the gift of family. Merry Christmas everyone!” aniya.

At nitong Disyembre 26 ay ipinagdiwang ni Jennica ang kaniyang 32nd birthday.

“Ang buhay mo ay isang obra na nilikha ng Diyos,” panimula ni Alwyn.

“Sa bawat minuto, oras, araw at taon na nakakasama kita, mas gumaganda at mas lumalalim ang pagtingin ko sa’yo. Kung ang buhay ay isang painting, maiintindihan natin kung bakit hindi sa lahat ng oras ay madali ang ‘pagpipinta’ nito. Hindi palagi ay gagamit ka ng puti, dilaw, kahel at maliliwanag na kulay para mabuo ito.”

May be an image of 1 person
Jennica Garcia (Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

“Minsan may itim, asul at indigo na tila nagsisilbing pambalanse upang magrehistro ang lahat ng aspeto sa buhay ng tao. Napakakulay ng buhay mo, at ito ang dahilan kung bakit ako patuloy na humahanga at nabibighani sa’yo. Isa lang ang kinaiinisan ko, hindi mo ito batid. Walang kang malay na ganito ang kinang na nakikita ko sayo, at ng mga tao sa paligid mo.”

“Isa lang ako sa mga miron na gustong tumitig sa’yo buong maghapon. Sa katotohanan, wala akong kapasidad na maiuwi ka sa bahay, mailagay sa magandang dingding at maipagmayabang sa mga tao. Wala akong kapangyarihan para angkinin ka, dahil kung tutuusin, ang Ama natin sa itaas ang siyang may karapatan ng umangkin sa’yo.”

“Pero kahit hindi man ako karapat-dapat na maging parte ng kulay ng buhay mo, heto ka’t nasa harapan ko, araw-araw na binibigyan ng pagkakataon na masilayan ka at masaksihan ang gandang taglay mo. Hindi ito nagtatapos sa isang hagod ng pintura, na parang isang hindi pa natatapos na mosaic, patuloy ang iyong pag usbong at pagbibigay-kulay sa canvas ng buhay.”

Sa huling talata ng kaniyang mensahe, pinasalamatan niya si Jennica na hinayaan muli siyang maging bahagi ng kaniyang buhay.

“Salamat Jennica, dahil andito pa rin ako at parte ng pagpipinta mo. Salamat sa buhay, liwanag at inspirasyon na dala mo para sakin, sa mga anak natin, at mga taong nagmamahal at humahanga sayo. Salamat, at kasama kami sa obra ng buhay mo. Maligayang kaarawan, Mahal.”

Inilakip ni Alwyn ang mga litrato ni Jennica at ilang mga sample ng kaniyang obrang paintings.

May be an image of 1 person and standing
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)
May be an image of outdoors
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)
No photo description available.
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)

Ikinasal ang celebrity couple noong Pebrero 2014.

Dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon noong 2020, at nitong Mayo 2021 ay inamin ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn. Nagbitiw rin ng ilang masasakit na salita ang celebrity mom ni Jennica na si Jean Garcia laban sa manugang.

Makalipas ang ilang buwan, sinabi ni Jennica na nasa proseso sila ng pag-aayos ng kanilang relasyon ni Alwyn.

Nitong Disyembre 11, lumabas at nag-eat out sina Alwyn at Jennica kasama ang kanilang mga anak na sina Athena Mori at Alessi.

May be an image of 2 people, food and indoor
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco (Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)
May be an image of 1 person, sitting and indoor
(Larawan mula sa FB/Alwyn Uytingco)
Tags: alwyn uytingcoJennica Garcia
Previous Post

MRT-3, may libreng sakay sa Rizal Day

Next Post

Maynila, Sa Juan, nasa ‘moderate risk’ para sa COVID-19 ayon sa OCTA

Next Post
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

Maynila, Sa Juan, nasa ‘moderate risk’ para sa COVID-19 ayon sa OCTA

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.