• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Sana all! Anna Feliciano, nakatanggap ng kotse mula kay Kuya Wil

Richard de Leon by Richard de Leon
December 27, 2021
in Balita Archive
0
Sana all! Anna Feliciano, nakatanggap ng kotse mula kay Kuya Wil

Anna Feliciano at Willie Revillame (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi malaman ng dancer-choreographer na si Anna Feliciano kung paano niya pasasalamatan si ‘Wowowin’ host Willie Revillame dahil sa natanggap niyang Christmas gift mula rito: isang mamahalin at bagong kotse!

Kuwento ni Anna sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 25, noong una raw ay hindi niya nagustuhan na inutusan siya ni Willie sa mismong araw ng holiday, para kunin ang napanalunan ng isang contestant sa ‘12.12’ event ng isang online shopping app, na kine-claim na nito. Kailangan umano ng representative mula sa show.

Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

Makikitang medyo matagal mag-reply si Anna.

May be an image of text that says 'Boss Wil New Edit Today 9:15 AM Anna, good morning. saglitan mo muna puntahan ang cherry. may emergency daw sa claim ng nanalo noong 12.12. pakiasikaso mo muna, nandoon si jo siya ang hanapin mo Today 9:23 AM Gyd morning kuya. After lunch pa ako makapunta, nandito pa sina April sa house. OK lang po ba? Today 9:25 AM Before lunch puntahan mo, need ng representative ng show para marelease Today 9:26 AM Mabilis lang iyon, kawawa naman ang nanalo maginty ng matagal doon Today 9:27 AM Eto ang numbr ni jo kau na mag usap Today 9:28 AM'
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

Maya-maya, makikita sa conversation thread na nagpasalamat na si Anna kay Kuya Will.

May be an image of text
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

“Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag workin in Christmas Day. Yun pala may surprise. Thank you very much kuya!!! Graveee ang pasabog mo! Yes kuya, I will never leave the show. Loyal ako sa’yo, you know that. From Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko,” caption ni Anna, kalakip ang mga litrato ng kaniyang bagong sasakyan na kulay-kahel, at mga screengrab ng kanilang pag-uusap ni Kuya Wil.

Ayon kay Kuya Wil, deserve na deserve umano ni Anna ang naturang kotse dahil sa kasipagan at kahusayan nito sa trabaho. Isa pa, ‘suhol’ umano ito kay Anna para hindi nito iwanan ang Wowowin, dahil nabalitaan umano ng host na may mga kumakausap kay Anna mula sa ibang show.

Inutusan na rin niya si Anna na maghanap ng mga bagong dancer dahil unti-unti na umano silang magba-back to normal sa 2022.

May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano
May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano
May be an image of car
Screengrab mula sa FB/Anna Feliciano

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa mga pinakamayayamang celebrity sa industriya ng showbiz. Nang umalis siya sa ABS-CBN dahil sa naging isyu sa ‘Wowowee’ sa ABS-CBN ay sumama sa kaniya si Anna Feliciano. Bitbit niya si Anna sa TV5 at finally, nang lumipat na sila sa Kapuso Network.

Tags: Anna FelicianocherryTiggowillie revillame
Previous Post

DOH, nagtala ng 318 bagong kaso ng COVID-19

Next Post

Gretchen Barretto, nilinaw na fake news ang kumakalat na quote card ni Atong Ang

Next Post
Gretchen Barretto, nilinaw na fake news ang kumakalat na quote card ni Atong Ang

Gretchen Barretto, nilinaw na fake news ang kumakalat na quote card ni Atong Ang

Broom Broom Balita

  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
  • Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.