• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gretchen Barretto, nilinaw na fake news ang kumakalat na quote card ni Atong Ang

Richard de Leon by Richard de Leon
December 27, 2021
in Showbiz atbp.
0
Gretchen Barretto, nilinaw na fake news ang kumakalat na quote card ni Atong Ang

Gretchen Barretto at Atong Ang (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nilinaw ng socialite-actress na si Gretchen Barretto na fake news o hindi totoo ang kumakalat na quote card ng businessman at malapit na kaibigan niyang si Charlie ‘Atong’ Ang, laban kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. o mas kilala bilang BBM.

Nakasaad sa kumakalat na quote card na sinabi umano ni Atong na “Mas may tsansa ka pang manalo sa online sabong kaysa itaya mo kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na ‘yan.” May nakalagay na malaking label na ‘FAKE NEWS’ ito.

Atong Ang (Screengrab mula sa IG/Gretchen Barretto)

Hindi umano nakikialam sa mga usaping politikal ang negosyante. Maglalabas din umano si Atong ng opisyal na pahayag hinggil dito.

“FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG. ITO AY GAWAIN NG AMING KALABAN SA NEGOSYO,” ayon sa caption ng kaniyang IG post.

“To my friends kindly REPOST THIS @pitmastercare. Mr. Ang will make a live statement tomorrow,” dagdag pa ni Gretchen.

Sina Gretchen at Atong ay malapit na magkaibigan. Ilang beses na ring naiisyu na may lihim silang relasyon na higit pa sa pagkakaibigan, subalit ilang beses na rin nila itong itinanggi, lalo na sa kasagsagan ng ‘word war’ na naganap sa pagitan ng mga Barretto sisters noong 2019.

Tags: Atong AngFake newsgretchen barretto
Previous Post

Sana all! Anna Feliciano, nakatanggap ng kotse mula kay Kuya Wil

Next Post

Christmas party, nauwi sa wedding proposal

Next Post

Christmas party, nauwi sa wedding proposal

Broom Broom Balita

  • Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla
  • Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research
  • P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin
  • 2 DQ cases kontra BBM, ibinasura ng Korte Suprema
  • 9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon
Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

June 29, 2022
Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

June 29, 2022
P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

June 29, 2022
Paggamit sa ‘gender-fair’ language, nakatakdang gawing panuntunan ng Korte Suprema

2 DQ cases kontra BBM, ibinasura ng Korte Suprema

June 28, 2022
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon

June 28, 2022
3 batang nag-o-online class, patay matapos bumangga sa tindahan ang isang ten-wheeler truck

2 patay matapos paulanan ng bala ang isang inuman sa Cagayan

June 28, 2022
Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’

Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’

June 28, 2022
Duque, magbabalik sa pagtuturo sa kanyang pagbaba bilang hepe ng DOH

Magtuturo na lang: Duque, wala nang planong magserbisyo pa sa gobyerno

June 28, 2022
Apurahin ang proseso ng insurance claims para sa mga biktima ng bagyo – Mayor Isko

Mayor Isko: De kalidad na serbisyong pangkalusugan sa Bagong OsMa, libre lang

June 28, 2022
Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.