• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Cochinillo ni Marvin Agustin, inireklamo ng mga customers; ‘I will learn from this’

Richard de Leon by Richard de Leon
December 27, 2021
in Showbiz atbp.
0
Cochinillo ni Marvin Agustin, inireklamo ng mga customers; ‘I will learn from this’

Marvin Agustin (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga artistang pinasok ang pagnenegosyo at naging matagumpay naman sa larangang ito ay si Marvin Agustin. Bukod sa kaniyang acting prowess, talagang nagagamit niya nang husto ang kasanayan sa pagluluto ng pagkain. Bukod sa pagiging chef, hype na hype ang kaniyang negosyong ‘cochinillo’ o roasted piglet na talaga namang katakam-takam sa paningin, lalo na kapag ipinakikita niya ito sa social media.

Subalit nitong Disyembre 24, bisperas ng Pasko, marami sa mga customers niya ang tila naimbyerna sa kalidad ng cochinillo na kanilang natanggap; lalo’t in na in pa naman sa noche buena ang lechon.

Narito ang ilan sa mga reklamo ng mga netizen:

“Very disappointed customer here tsk tsk tsk sorry but I have to say this.”

“Yun pig skin napaka-kunat nu’ng dumating sa amin. Malayong-malayo sa advertisement mo. We are very disappointed.
Btw even the roast beef puro fat.”

“Mine as well! I pre-ordered cochi last Christmas eve and another one on the 25th. Both worst experiences! Need to follow up my order several times and zero response! And when it finally arrived super kunat nu’ng 24th na cochi! Nakakahiya sa in-laws ko because that is our share and I’m super proud of it pa naman! Tapos nung 25th as usual late din and it was burnt cochi! Nasira daw oven nila and no replacement whatsoever daw! My gaad I mean you paid so much and you just have to accept it?!! @marvinagustin I sent you a PM regarding this. The experience is far from your marketing.”

Kumakalat pa sa TikTok na ang rating umano ng ilang mga customers sa cochinillo ni Marvin ay 1.6 stars, bagay na napakababa (5 stars ang pinakamataas).

Screengrab mula sa TikTok

Inamin naman ni Marvin ang kanilang pagkukulang kaya agad siyang naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito.

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin
Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin
Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

“My worst Christmas. I will learn from this.”

“I’m very sorry, everyone…”

“Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa dami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya’t napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon (December 24) at ngayong araw na ‘to.”

“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga di inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin aga-dagad na natugunan ang inyong katanungan. At masakit man ‘yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako.”

Humihingi pa ng pagkakataon si Marvin upang makabawi sa mga customers na nadismaya sa kaniyang negosyo. Marami raw kasing unfortunate incidents na nangyari na nakaapekto sa production ng kanilang mga order, lalo na’t peak days ang bisperas at mismong araw ng Pasko.

“Sana mabigyan n’yo ako ng pagkakataon maipakita na hindi ko pagkatao ang magbigay ng problema o hirap sa kahit na kanino.”

“I had a series of unfortunate incidents from our kitchen equipment breaking down, a glitch in our ordering system, and last minute cancellations of couriers due to several unforeseen reasons.”

“Alam kong hindi ito excuse not to give you the service you deserve and expect, lalo na sa araw na halos tatlong buwang pinaghahandaan ng bawa’t pamilyang Pilipino kung kaya’t napakahalagang huwag magkamali.”

Hindi naman daw sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa mga customers na may complaints sa kanilang natanggap na cochinillo.

“My team and I have reached out to some of you, the people I’ve caused terrible inconvenience and an awful experience during the most important and special occasion of the year. And you will continue to hear from us in the next few days.”

“To those who haven’t received a message from us, I am just gathering all the information so we can address your concerns properly.”

“Bawa’t isa sa inyo mahalaga sa akin at sa aming trabaho.”

“I promise each one of you, we will do better,” sey pa ni Marvin.

Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin
Screengrab mula sa IG/Marvin Agustin

Umabot sa 350 ang mga komentong pawang nagreklamo kaya naman naka-turn off na ang comment section ng Instagram ni Marvin.

Tags: cochinillocustomersmarvin agustin
Previous Post

Sandara Park, miss na ang Pinas; ano ang wish nitong Christmas?

Next Post

Bongbong, Sara nanguna sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research

Next Post
Bongbong, Sara nanguna sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research

Bongbong, Sara nanguna sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.