• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3 sundalong opisyal, arestado sa pamamaril sa Taguig

Balita Online by Balita Online
December 26, 2021
in Balita, National / Metro
0
3 sundalong opisyal, arestado sa pamamaril sa Taguig
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nasa kustodiya ng Taguig City Police ang tatlong Commissioned Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot sa umano’y pamamaril na ikinasugat ng anim na katao kabilang ang tatlong kabataan sa Taguig City nitong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Kinilala ni National Capital Region Police Office chief Major General Vicente Danao Jr. ang mga suspek na sina Capt. Neiljay Maguddayao Garcia, 31, nakatalaga sa Command and Control Training and Doctrine Command, Capaz, Tarlac; Prov 2 Lt Felomino Maguddayao Garcia, 30, nakadestino sa Attached and Assigned Headquarters and Headquarters Support Group, Fort Bonifacio, Taguig City; at 1 Lt Minalyn Awat Ladyong, 29, nakatalaga naman sa Army Signal Regiment, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Edsel Hecita Polo, 28; JD Umbaro Navales, 24; John Carl Marca Sabino, 18, at tatlong lalaking menor de edad (17,16 at 14) na pawang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati at Taguig Pateros District Hospital sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dakong 3:00 ng madaling araw ng Sabado naganap ang pamamaril sa P. 163, C-5 Service Road, Wildcat Village, Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naghagis umano ng bato ang anim na biktima sa tatlong sundalo na nag-iinuman habang nagdiriwang ng Pasko sa bahay ng magkapatid na Garcia.

Nagalit umano ang mga suspek kaya pinaulanan ng bala ang mga biktima gamit ang M16 rifle na ikinasugat ng anim na biktima.

“Muli, tayo ay nakikiusap sa publiko ganun din sa iba pa nating kasama na nasa uniformed service at mga iba pang civilian holders ng baril. Maging kalmado tayo at huwag ilagay sa init ang ulo ang epekto ng alak upang makapanakit tayo,” ani Danao.

“Maraming pamamaraan na hindi gagamitan ng baril o diretsong  pagpapaputok ang agarang sagot sa isang pangyayari maliban kung ito ay may banta sa ating buhay. There are a lot of peaceful means to prevent and repel the aggression without resorting to firing your guns. Hindi dahil may baril ka ay passport ninyo na  po yan to indiscriminately fire your firearms and/or to illegally discharge your firearms,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi pa ni Danao na ang nangyaring insidente ay masusing iniimbestigahan ngayon ng mga imbestigador ng Taguig City Police upang lumabas ang katotohanan at makakalap pa ng mga impormasyon sa naturang kaso.

Tiniyak pa ng NCRPO sa publiko lalo na sa panig ng mga biktima na ang kaso ay hahawakan ng awtoridad nang walang takot o walang pinapaboran.

“Coordination was immediately  done with the HQs, Philippine Army  relative to the incident. Likewise, administrative cases will automatically be filed against their personnel involved in the criminal cases,” ani Danao.

Bella Gamotea

Tags: sundalong opisyal
Previous Post

Mayor Isko: Renovated Manila clock tower, makakaakit ng mga turista

Next Post

DOH, nakapagtala ng 11 fireworks-related injuries bago sumapit ang Bagong Taon

Next Post
DOH, nakapagtala ng 11 fireworks-related injuries bago sumapit ang Bagong Taon

DOH, nakapagtala ng 11 fireworks-related injuries bago sumapit ang Bagong Taon

Broom Broom Balita

  • Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!
  • Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw
  • PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’
  • ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol
  • Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?
Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!

Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!

November 30, 2023
Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw

Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw

November 30, 2023
PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’

PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’

November 30, 2023
‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

November 30, 2023
Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?

Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?

November 30, 2023
17 Pinoy na hinostage sa Red Sea, nasa maayos kalagayan — DFA

17 Pinoy na hinostage sa Red Sea, nasa maayos kalagayan — DFA

November 30, 2023
PBBM matapos ibasura ng ICC ang apela ng ‘Pinas hinggil sa ‘drug war’: ‘We are done with the ICC’

PBBM, kinansela Dubai trip para sa 17 Pinoy hostage sa Red Sea

November 30, 2023
Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

November 30, 2023
Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

November 30, 2023
Dismissal vs QC police official na sangkot sa hit-and-run, pinagtibay ng DILG

Dismissal vs QC police official na sangkot sa hit-and-run, pinagtibay ng DILG

November 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.