• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Umanong convo ni ‘Janice’ at hindi nagpakilalang kaibigan nito, kumalat online

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
December 19, 2021
in Balita
0
Umanong convo ni ‘Janice’ at hindi nagpakilalang kaibigan nito, kumalat online
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang, nabigyang liwanag ang pagkamatay nina Crizzle Gwynn, 18, at Crizzule Luois Maguad, 16, matapos sumuko ni “Janice” sa krimen na nagawa nito.

Basahin: ‘Dahil sa selos at inggit?’ pumatay sa Maguad siblings, adopted daughter ng pamilya

Umiikot ngayon sa social media ang umanong conversation ng suspek sa pagpatay sa Maguad sibling na si “Janice” at ng kaibigan nitong hindi nagpakilala.

Sa screenshot, sinabi umano ni Janice sa kanyang kaibigan na may gusto ito patayin.

“May gusto akong patayin. 7 sila. Secret lang kung sino sila kasi baka magsumbong ka. Sila na lang ang kulang para mayroon na akong freedom.”

Biro pa ng kaibigan ni Janice, tsaka na lamang daw nito gawin ang balak niya kung kaya na nito gawin ang kanyang mga sinasabi.

Dagdag pa ni Janice, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng tao, miski ang pagpatay, ay mapapatawad naman daw ng Diyos.

“Sabi nila kahit ano pa kalaki ang kasalanan mo kahit na makapatay ka pa ng tao, mapapatawad ka pa rin ni Lord basta humingi ka ng tawad sa kanya.”

“Pumapatay nga ang mga sundalo ng tao eh.”

Sumagot naman ang kaibigan ni Janice na ang mga sundalo ay nakakapatay lamang ng tao kung nasa peligro na ang kanilang buhay.

Ani Janice, nais naman niyang pasayahin ang kanyang sarili.

“Bahala ka diyan. Maghahanap na lang ako ng ibang kasabwat. Naiirita na talaga ako sa aking paligid. Di na siya maganda.”

Biro pa ng kaibigan ni Janice, sino raw ba ang gusto niyang patayin at nang mailista.

Ngunit sumagot si Janice na hindi na niya sasabihin dahil baka magsumbong pa ito.

Tags: JanicekrimenMaguad siblings
Previous Post

Kalayaan Islands, isinailalim pa rin sa Signal No. 2 — PAGASA

Next Post

Alwyn Uytingco, sapat nang regalo ngayong Christmas ang asawang si Jennica Garcia

Next Post
Alwyn Uytingco, sapat nang regalo ngayong Christmas ang asawang si Jennica Garcia

Alwyn Uytingco, sapat nang regalo ngayong Christmas ang asawang si Jennica Garcia

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.