• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Piolo Pascual at Bianca Umali, namataang magkasama; magtatambal nga ba?

Richard de Leon by Richard de Leon
December 19, 2021
in Showbiz atbp.
0
Piolo Pascual at Bianca Umali, namataang magkasama; magtatambal nga ba?

Piolo Pascual at Bianca Umali (Screengrab mula sa IG/Belo Medical Group)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinakiligan ng mga netizen ang litrato nina Kapamilya heartthrob Piolo Pascual at Kapuso star Bianca Umali habang magkasama sa isang event. Tanong ng marami, anong meron? Bakit magkasama sila?

Invited guests pala silang dalawa sa house warming at pagbubukas ng bagong branch ng Belo Medical Group Company sa Pampanga, na may hashtag na #BeloClark.

Ibinahagi ito sa official Instagram account ng Belo Medical Group na pag-aari ni Dra. Vicki Belo.

Piolo Pascual at Bianca Umali (Larawan mula sa IG/Belo Medical Group)

“We are incredibly thankful to everyone who joined us at Belo Clark’s housewarming party this afternoon. Thank you for the warmth, the company, and the endless trust. We are thrilled to finally serve you in Pampanga,” saad sa IG caption.

Marami naman sa mga netizen ang inakalang magkakasama sila sa isang proyekto. Mukhang bagay naman daw silang dalawa, ayon na rin sa showbiz columnist na si Manay Lolit Solis.

Hayden Kho, Bianca Umali, Vicki Belo, at Piolo Pascual ((Larawan mula sa IG/Belo Medical Group)

“Ganda naman pictorial nina Piolo Pascual at Bianca Umali sa opening ng Belo Clinic sa Clark, Salve. Nagkaroon tuloy ng idea na sana magkasama sa isang project ang dalawa dahil mukhang may chemistry ang combination nila. Maganda nga dahil talaga naman kailangan ngayon mga bagong kumbinasyon, at very cool na pagsamahin sila Piolo Pascual at Bianca Umali,” ayon sa caption ni Manay Lolit sa kaniyang IG post.

“Iyon maganda kay Bianca, dahil sophisticated beauty niya, puwede siya kahit sa mga edad nila Piolo Pascual. At iyon din maganda kay Piolo, young-looking siya kaya puwede kahit sa mga younger stars gaya ni Bianca. Sana magkaroon nga ng serye na silang dalawa, sure ako bongga iyon, please igawa na ninyo ng project para may bago naman mapanood. Please, please!!”

Kung teleserye, baka imposible pa ito sa ngayon dahil parehong may kontrata sa kani-kanilang mga home network ang dalawa. Pero kung sa pelikula, baka maaari naman.

Tags: #BeloClarkBelo Medical GroupBianca Umalipiolo pascual
Previous Post

Zambales, inuga ng magnitude 4.7 na lindol

Next Post

Bayan Muna, binanatan ang gobyerno nang sabihing wala nang pondo para sa ‘Odette’ victims

Next Post
Former Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, tatakbo bilang Senador sa 2022 polls

Bayan Muna, binanatan ang gobyerno nang sabihing wala nang pondo para sa 'Odette' victims

Broom Broom Balita

  • Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD
  • Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA
  • ₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon
  • Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’
  • TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson
Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

September 27, 2023
Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

September 27, 2023
₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

September 27, 2023
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Hontiveros sa Araw ng Kalayaan: ‘Katulad ng ating mga bayani, pagtibayin sana tayo ng ating nakaraan’

Hontiveros pabor na ilipat ang confi, intel funds sa mga ahensyang dumidepensa sa West Philippine Sea

September 27, 2023
China, nag-donate ng ₱4M sa ‘Egay’ victims sa Cagayan

China, nag-donate ng ₱4M sa ‘Egay’ victims sa Cagayan

September 27, 2023
Publiko, hinikayat ng DOH official na gumamit ng generic medicines

Publiko, hinikayat ng DOH official na gumamit ng generic medicines

September 27, 2023
‘E.A.T.’ supporters sa lubid joke ni Joey: ‘Puwede naman sa leeg ng kalabaw?’

‘E.A.T.’ supporters sa lubid joke ni Joey: ‘Puwede naman sa leeg ng kalabaw?’

September 27, 2023
Scarborough Shoal issue: Pilipinas, ‘di nag-uudyok ng away — DND chief

Scarborough Shoal issue: Pilipinas, ‘di nag-uudyok ng away — DND chief

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.