• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bayan Muna, binanatan ang gobyerno nang sabihing wala nang pondo para sa ‘Odette’ victims

Balita Online by Balita Online
December 19, 2021
in Balita, National / Metro
0
Former Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, tatakbo bilang Senador sa 2022 polls

(Facebook / Neri Colmenares official page/FILE PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binanatan ng Party-list group Bayan Muna sa pangunguna ni dating Rep. Neri Colmenares ang administrasyong Duterte nang sabihing wala nang pondo ang gobyerno para tulungan ang mga biktima ng Bagyong ‘Odette,’ gayong ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking mangungutang o borrower sa World Bank.

“It’s impossible to think that this administration has no more budget for aid to typhoon victims, considering that the Philippines is the World Bank’s biggest borrower,” bira ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares.

Noong Biyernes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay naghahanap pa ng mga pondo para matulungan ang mga lalawigan na labis na pininsala ng bagyo dahil ang budget ng pamahalaan ay naubos na dahil sa Covid-19 pandemic.

“Ang pag-aming ubos na ang pondo ng gobyerno ay nagpapakita kung papaano pinaprayoridad ng Duterte Administration ang budget nito, laluna sa panahon ng krisis at kalamidad.
“The country has a history of being ravaged by typhoons, and it should have the budget to mitigate and provide immediate relief even while responding to the pandemic”, sabi ng dating mambabatas.”

Batay sa report, ang Pilipinas ay nakautang ng $3.07 bilyon mula sa World Bank para sa fiscal year 2021, mas malaki pa sa inutang ng India na $2.65 bilyon, na siyang biggest borrower para sa fiscal year 2020.Inihayag ni Colmenares na naging doble ang utang ng bansa o public debt sa halos P12 trilyon mula sa P5.9 trilyon sa pagsisimula ng administrasyon ng Pangulo.   

Ayon sa kanya, ang bansa ay may calamity fund na sumasaklaw sa dalawang taon o fiscal years na may P20 bilyong budget para sa 2021.

 “There are still funding sources for typhoon Odette victims, considering all the debt incurred in the past five years,” anang Bayan Muna leader.

Isang paraan aniya para maresolba ang problema sa pinansiyal ng Duterte administration ay i-realign ang budget mula sa iba’t ibang ahensiya, gaya ng pagbibigay ng P17 bilyon sa kontrobersiyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na dapat ay ibigay na lang sa mga biktima.

Samantala, ngayong Linggo, Nangako na si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ang gobyerno ng ₱2 bilyon para sa mga naapektuhan ng bagyong ‘Odette’ sa Visayas at Mindanao.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/19/%E2%82%B12b-itutulong-ng-govt-sa-odette-victims-malacanang/

Bert de Guzman

Tags: bayan munaNeri Colmenares
Previous Post

Piolo Pascual at Bianca Umali, namataang magkasama; magtatambal nga ba?

Next Post

4 pulis na tumangay ng ₱30M sa isang Japanese sa Pasig, kinasuhan na!

Next Post
4 pulis na tumangay ng ₱30M sa isang Japanese sa Pasig, kinasuhan na!

4 pulis na tumangay ng ₱30M sa isang Japanese sa Pasig, kinasuhan na!

Broom Broom Balita

  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
  • 8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City
  • Alden Richards, pangarap maging daddy
  • Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
  • Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

May 31, 2023
Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

Joey de Leon sa pamamaalam ng EB: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.