• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

4 na ospital sa Maynila, COVID-19-free na!

Balita Online by Balita Online
December 18, 2021
in National / Metro
0

Malate, Manila/NCR

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala nang pasyente ng COVID-19 ang apat na ospital sa Maynila, ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Nakapagtala ng zero active cases ang Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos  General Hospital (JJASGH), Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang patuloy na pagpupulong sa mga direktor ng ospital sa lungsod upang talakayin ang paghahanda ng pamahalaang lungsod laban sa COVID-19 Omicron variant.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ni city health officer Dr. Arnold Pangan, katuwang ng city health officer na si Dr. Ed Santos, at ang mga direktor ng anim na district hospital.

Kasama rin sa miting sina Gat Andres Bonifacio Medical Center director Dr. Ted Martin; Ospital ng Tondo director Myrna Paloma, Justice Jose Abad Santos General Hospital director Dr. Merle Faustino-Sacdalan, Ospital ng Sampaloc director Dr. Aileen Lacsamana, Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla at Manila COVID-19 Field Hospital director Dr. Arlene Dominguez.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), wala pang naitatalang kaso ng Omicron variant sa lungsod sa kasalukuyang 84 na aktibong kaso ng COVID-19.

Mayroong anim na active cases ang Gat Andres Bonifacio Medical Center, siyam sa Sta. Ana Hospital at sampu sa Manila Field Hospital Luneta.

Mula Dis. 17, nakapagtala ang Maynila ng kabuuang 91,318 cases, 89,491 recoveries at 1,743 deaths.

Cherrylin Caacbay

Tags: COVID-19Manila City
Previous Post

DOH, biniberipika ang kalagayan ng mga cold chain facility sa VisMin matapos manalasa ni ‘Odette’

Next Post

Miniature ng Manila Cathedral, tampok ng isang Fine Arts student ng UP Baguio

Next Post
Miniature ng Manila Cathedral, tampok ng isang Fine Arts student ng UP Baguio

Miniature ng Manila Cathedral, tampok ng isang Fine Arts student ng UP Baguio

Broom Broom Balita

  • Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad
  • Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay
  • Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’
  • P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga
  • Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji
Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

August 10, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay

August 10, 2022
Tanada, ginagapang ang ‘Katips,’ nakapagpareserba na ng 51 sinehan nationwide

Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’

August 10, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga

August 10, 2022
Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

August 10, 2022
Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

August 10, 2022
Auto Draft

Ricky Lee, Gina Alajar, Juday, patuloy na nagpakita ng suporta sa ‘Katips’

August 10, 2022
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

August 10, 2022
Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

August 10, 2022
Pagpapabakuna vs Covid-19, ‘di pa rin required sa mga estudyante

Pagpapabakuna vs Covid-19, ‘di pa rin required sa mga estudyante

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.