• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Dahil sa selos at inggit?’ pumatay sa Maguad siblings, adopted daughter ng pamilya

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
December 17, 2021
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
‘Dahil sa selos at inggit?’ pumatay sa Maguad siblings, adopted daughter ng pamilya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Unti-unti nang nakakamit ng pamilya Maguad ang hustisya para sa magkapatid na sina Crizzle Gwynn at Crizville Luois Maguad nang umamin ang adopted daughter ng pamilya na si “Janice” sa pagpatay sa mga biktima.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/11/2-anak-ng-principal-dedo-sa-saksak-at-martilyo/

Ayon sa panayam ng “NewsLine Mindanao” sa ama ng mga biktima na si Cruz Maguad, sinasabi nitong inggit at selos umano ang dahilan kung bakit pinatay ni Janice ang kanyang mga anak.

Gusto raw umano kunin ni Janice ang puwesto ng kanyang anak na si Crizzle Gwynn.

Isang working student si Janice at ang mismong isa sa biktima na si Crizzle Gwynn ang nag-udyok sa kanyang mga magulang na patirahin ito sa kanilang bahay. Parang tunay na magkapatid ang naging turingan ng isa’t isa.

“According sa narinig naming confession niya [Janice], is nagseselos daw talaga siya kay Gwynn–naiinggit siya kay Gwynn. So kaya nga galit na galit siya kay Gwynn dahil gusto niyang kunin talaga ang place ni Gwynn,” ani Cruz.

“Kasi narinig ko, na yun ang personalidad niya kapag galit siya sa isang tao talagang kukunin niya,” dagdag pa niya.

Noong Disyembre 10 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang krimen. Naging isa sa persons of interest at material witness si “Janice” dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.

Bago magpost sa Facebook, nagpadala muna siya ng mensahe sa chat room ng pamilya na pinasok umano ang bahay nila ng mga ‘di kilalang tao dakong 2:58 ng hapon. Matapos nito, nagpost sa Facebook si Janice alas-3:04 ng hapon para humingi ng tulong.

Mas naging kahina-hinala umano si Janice nang magpalit ito ng pangalan sa Facebook. 

Gayunman, kasalukuyang nasa kustodiya ng Social Welfare and Development Office sa M’lang, North Cotabato si Janice dahil ito ay menor de edad at nahaharap ito sa kasong murder.

Samantala, patuloy pa rin hinahanap ng mga pulis ang isa pang kasamahan ni Janice.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/14/suspek-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-rin-matagpuan-pabuya-umabot-na-sa-p500k/

Tags: JaniceMaguad siblings
Previous Post

Angelica, windang sa ka-‘Tinder date’ abroad: natakot sa nakitang ‘malaki’

Next Post

‘Odette’ limang beses nang humagupit sa VisMin — PAGASA

Next Post
‘Odette’ limang beses nang humagupit sa VisMin — PAGASA

'Odette' limang beses nang humagupit sa VisMin -- PAGASA

Broom Broom Balita

  • Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!
  • Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
  • 1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya
  • 4.4-magnitude, yumanig sa Leyte
  • ‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano
Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

August 13, 2022
Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

August 13, 2022
1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

August 13, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

August 13, 2022
‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

August 13, 2022
Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

August 13, 2022
Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

August 13, 2022
DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

August 12, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog

August 12, 2022
Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.