Muling pinagtibay ng Pilipinas at Palau ang bilateral na relasyon habang unti-unting muling nagbubukas ang dalawang bansa sa gitna ng pagluwag ng pandemic restrictions.
Nakipagpulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Neal Imperial kay Palau Embassy Chargé d’Affaires Keith Sugiyama upang talakayin ang pagpapalakas g kanilang bilateral cooperation sa iba’t ibang larangan tulad ng labor, health at pagpapatuloy ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa Foreign Affairs department, tinalakay nina Imperial at Sugiyama ang mga paraan upang higit pang mapabuti ang patuloy na mga hakbangin sa pakikipagtulungan sa paggawa at kalusugan, kabilang ang Medical Referral Program (MRP) ng Palau.
Ang MRP ay nagbigay-daan sa Palauan na regular na bumiyahe sa Pilipinas upang magkaroon ng access sa world class na medical facilities sa Pilipinas para sa mga pasyente na ang mga sakit ay hindi magagamot sa Palau, dagdag ng ahensya.
Sumang-ayon din ang dalawang opisyal na isulong ang iba’t ibang bilateral na kasunduan at palawakin ang pagtutulungan, kabilang ang teknikal na kooperasyon at capacity building.
Bukod dito, pinasalamatan ni Imperial ang Palau sa “mabait na pakikitungo sa mga overseas Filipino worker” at ipinahayag ang pag-asa sa pagpapatuloy ng two-way travel sa pagitan ng dalawang teritoryo.
Ang Office of the Asian and Pacific ay namamahala sa bilateral na relasyon ng Palau. Ang mga serbisyo ng konsulado ay nasa ilalim ng paggabay ng Konsulado ng Pilipinas sa Agana, Guam at tanggapan ng Konsulado ng Pilipinas sa Koror.
Betheena Unite