KUALA LUMPUR Malaysia — Nakapagtala ang Malaysia ng 4,626 na bagong impeksyon ng COVID-19 at 31 naman ang pumanaw nitong Sabado ng madaling araw, ayon sa health ministry.
Sa naturang bagong kaso, 20 ang imported at 4,606 naman ang local transmissions, ayon sa datos na ipinakita ng ministry.
Umabot na sa 2,688,149 ang kabuuang bilang ng kaso habang umakyat naman sa 30,862 ang mga namatay.
Nasa 4,690 ang mga pasyenteng gumaling sanhi upang umabot sa 2,596,509 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.
Samantala, 70,382 vaccines doses ang nai-administer nitong Sabado lamang, at 79.4 na porsyento ng populasyon ang nakatanggap na ng unang dose at 78.1 na porsyento naman ang fully vaccinated.
Xinhua