• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Barbie Imperial at AJ Raval, nagkabati na!

Richard de Leon by Richard de Leon
December 12, 2021
in Showbiz atbp.
0
Barbie Imperial at AJ Raval, nagkabati na!

Diego Loyzaga, Barbie Imperial, at AJ Raval (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inamin ni Kapamilya actress Barbie Imperial na nagkaayos na sila ng kapwa aktres na si AJ Raval, matapos ang ilang hindi pagkakaunawaan. Matatandaang ilang linggo na rin silang pinuputakti ng mga showbiz intriga at pinagpipiyestahan ng mga ‘Marites’.

Sa inilabas na panayam ng ABS-CBN News, isinalaysay ni Barbie na siya mismo ang tumawag kay AJ matapos siyang makatanggap ng unsent message sa Viber, na nagmula rito.

Matatandaang nagsimula ang patutsadahan sa pagitan ng dalawang aktres nang ilabas ng ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza ang kaniyang showbiz chika na nililigawan umano ni Diego Loyzaga, boyfriend ni Barbie, ang kaniyang katambal na si si AJ sa pelikulang ‘Death of a Girlfriend’ ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/xian-gaza-may-bagong-pasabog-diego-niligawan-si-aj-habang-sila-pa-ni-barbie/

Sa panayam naman ni Tito Boy Abunda noong Nobyembre kay Barbie, pinasaringan ni Barbie si AJ dahil sa halip umano na magsalita ito tungkol sa isyu upang linisin ang pangalan, eh nananahimik ito. Kung hindi raw talaga totoo na ‘kabit’ siya ni Diego, dapat daw na magsalita na ito dahil hindi naman umano siya gusto ng boyfriend niya.

“For me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” Gusto mo maging kabit? Eh, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko,” kontrobersyal na pahayag ni Barbie.

Ibinahagi pa ni Barbie na dati raw silang magkaibigan ni AJ dahil girlfriend ito ng kaniyang bestfriend na si Axel Torres.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/

Isang araw, pagkatapos nito, isang meme ang ibinahagi ni AJ na lalong nagpasiklab sa isyu, at sinasabing patutsada umano ni AJ kay Barbie.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/latest-cryptic-fb-post-ni-aj-raval-pasaring-nga-ba-kay-barbie-imperial/

Maging ang showbiz columnist na si Cristy Fermin ay ‘nakisawsaw’ na rin sa isyu at nagbigay ng payo kay Barbie na wala pa itong karapatang magbansag ng ‘kabit’ o mistress sa kahit na sinumang babae dahil hindi pa naman daw umano sila kasal ni Diego. Sinabi pa niya na isaksak pa ni Barbie sa baga niya si Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/01/cristy-sinupalpal-si-barbie-hindi-pa-kayo-mag-asawa-wala-kang-karapatang-tawaging-mistress-ang-sinuman/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/02/round-2-supalpal-ni-cristy-kay-barbie-saksak-mo-si-diego-sa-baga-mo/

Kamakailan lamang ay binasag na rin ni AJ ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu.

“Si Diego po, hindi po, never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego,” aniya. “One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po,” ani AJ sa panayam sa kaniya ng ‘Pika Pika’.

Inamin din ni AJ na wala rin silang relasyon ni Aljur Abrenica, na eventually ay kasal pa rin kay Kylie Padilla, kung titingnan sa legalidad.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/04/aj-raval-nagsalita-na-inamin-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-diego-aljur/

Ipinagtanggol din ni Teresa Loyzaga, ina ni Diego Loyzaga, si AJ Raval. Aniya, hindi raw deserve ni AJ na makatanggap ng kritisismo sa iba’t ibang mga tao. Nakilala raw niya si AJ at sa palagay niya ay nice girl ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/07/teresa-loyzaga-ipinagtanggol-si-aj-raval-she-seems-like-a-nice-girl/

At mukhang natuldukan na nga ang hindi pagkakaunawaan nina Barbie at AJ na sana ay hindi na lumala at madugtungan pa, lalo’t nagsalita na ang mga taong involved.

Tags: AJ RavalBarbie Imperial
Previous Post

FDA: Mga naturukan ng Jansenn at Sputnik Light, pwedeng magpa-booster shot matapos ang 3 buwan

Next Post

Mandaluyong LGU, namahagi ng 350,000 grocery boxes sa mga residente para sa taunang Pamaskong Handog

Next Post
Mandaluyong LGU, namahagi ng 350,000 grocery boxes sa mga residente para sa taunang Pamaskong Handog

Mandaluyong LGU, namahagi ng 350,000 grocery boxes sa mga residente para sa taunang Pamaskong Handog

Broom Broom Balita

  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
  • ‘True meaning of compassion’: Netizens, naantig sa batang kumukupkop ng stray cats
  • Janine Gutierrez, masayang-masaya na makatrabaho si Dolly De Leon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.