Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benjamin Abalos, Jr. na mahigit 100% na ng target eligible population sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan na kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Isa aniya sa dahilan ng pagbaba ng kaso ng sakit sa Metro Manila ay ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa vaccination program ng gobyerno.
Binanggit ni Abalos ang napakagaling na implementasyon ng mga alkalde sa Metro Manila sa kanilang unified COVID-19 response measures.
Idinugtong pa ni Abalos na ang mga alkalde ng Metro Manila Council ay nagkasundo na tutulong sa pagpapalakas ng bakunahan sa mga karatig rehiyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng healthcare workers sa kanilang lugar.
Bella Gamotea