• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Petecio, balik sa bubble training sa Baguio

Balita Online by Balita Online
December 9, 2021
in Sports
0
Petecio, balik sa bubble training sa Baguio
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Babalik na ng Baguio sa Disyembre 10 (Biyernes) si Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio upang makasama ang kanyang mga national boxing teammates sa training bubble nila sa Teachers Camp at makabalik sa kanyang fighting shape bilang paghahanda sa nakahanay na tatlong malalaking kompetisyon sa susunod na taon.

Ayon kay Petecio, pinaplano nila na idepensa ang kanyang world championship gold medal sa Istanbul sa Marso sa susunod na taon.

“Gusto ng mga coaches ko na lumaban ako sa Turkey para ma-defend ko ‘yung title ko,” pahayag ni Petecio. “Pero siyempre dapat bumalik muna ako sa aking fighting form.”

Si Petecio ang reigning women’s featherweight world champion matapos manalo sa Ulan-Ude, Russia noong 2019. Ngayong buwan dapat idaraos ang women’s world championship ng International Boxing Association. Gayunman, iniurong ito sa Marso 2022 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Maliban sa world championships, kabilang sa paghahandaan ni Petecio ay ang 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi at ang 19th Asian Games sa Huangzhou sa Setyembre.

Matatandaang matapos magwagi ng Olympic silver medal, hindi na nakapagsanay ng husto si Petecio ng halos tatlong buwan kung kaya naging overweight ito.

Umaasa si Petecio na madali naman niyang maibabalik ang kanyang training weight na 60 kgs hanggang umabot sa featherweight limit na 57 kgs.

“Magaling ‘yung nutritionist namin si Jeaneth Aro, siya ang tutulong sa akin sa training,” ayon pa kay  Petecio.  

Marivic Awitan

ReplyForward
Previous Post

Pambubuking ni Ogie Diaz: Angeline Quinto, kumpirmadong preggy!

Next Post

‘Kakampinks’, kumasa sa tanong ‘Bakit si Leni?’

Next Post
‘Kakampinks’, kumasa sa tanong ‘Bakit si Leni?’

'Kakampinks', kumasa sa tanong 'Bakit si Leni?'

Broom Broom Balita

  • Pride parade sa New York, nagka-stampede matapos akalaing putok ng baril ang paputok
  • 75 sabungero, inaresto sa Pampanga
  • Skateboarding park sa Baler, sinimulan nang itayo
  • Pagpapadala ng healthcare workers sa abroad, tuloy — POEA
  • 3 mag-uutol, arestado; P238K halaga ng shabu, nasabat kasunod ng isang buy-bust sa Negros
Pride parade sa New York, nagka-stampede matapos akalaing putok ng baril ang paputok

Pride parade sa New York, nagka-stampede matapos akalaing putok ng baril ang paputok

June 28, 2022
75 sabungero, inaresto sa Pampanga

75 sabungero, inaresto sa Pampanga

June 27, 2022
Skateboarding park sa Baler, sinimulan nang itayo

Skateboarding park sa Baler, sinimulan nang itayo

June 27, 2022
₱1B bayad sa mga HCWs na nahawaan, namatay sa Covid-19, inilabas ng DBM

Pagpapadala ng healthcare workers sa abroad, tuloy — POEA

June 27, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

3 mag-uutol, arestado; P238K halaga ng shabu, nasabat kasunod ng isang buy-bust sa Negros

June 27, 2022
llang nakatagong armas ng NPA, nahukay sa Zambales

llang nakatagong armas ng NPA, nahukay sa Zambales

June 27, 2022
P62-M halaga ng halamang marijuana, napuksa sa Kalinga

P62-M halaga ng halamang marijuana, napuksa sa Kalinga

June 27, 2022
Bakit nga ba nadulas si Fuschia Anne Ravena sa kaniyang evening gown presentation?

Bakit nga ba nadulas si Fuschia Anne Ravena sa kaniyang evening gown presentation?

June 27, 2022
Kaso vs Tinang farmers, ibinasura ng korte

Kaso vs Tinang farmers, ibinasura ng korte

June 27, 2022
Maymay Entrata, na-starstruck nang makatabi sa ‘Showtime’ si Anne Curtis: ‘I love you, ma’am’

Maymay Entrata, na-starstruck nang makatabi sa ‘Showtime’ si Anne Curtis: ‘I love you, ma’am’

June 27, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.