• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Pasig LGU, namahagi ng laptops sa mga guro, estudyante ng PLP

Balita Online by Balita Online
December 8, 2021
in National
0
Pasig LGU, namahagi ng laptops sa mga guro, estudyante ng PLP

Pasig City Mayor Vico Sotto (Larawan mula sa FB/Vico Sotto)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Namahagi ng mahigit 1,000 laptops sa mga estudyante at guro ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) ang lokal na pamahalaan ng Pasig City nitong Martes, Disyembre 7, bilang pagpapatuloy sa pagtugon sa hamon ng blended learning dahil sa COVID-19 pandemic.

“Mula noong unang pinagbawalan ang face-to-face classes, ginawa natin ang lahat para hindi matigil ang kabataan sa kanilang pag-aaral,” saad ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook post.

“Ang bawat pisong nakalaan para sa edukasyon ay investment natin sa kinabukasan ng ating bayan,” dagdag pa niya.

Ipinagpapatuloy ng local government unit (LGU) ang pagsulong na mas mapabuti pa ang mga programang pang-edukasyon para sa kabataan, at patuloy na mabigyan ng assistance ang mga guro, lalo’t naapektuhan din ng pandemya ang ‘normal’ na pagsasagawa ng pagtuturo at pagkatuto.

Nakatanggap ang mga mag-aaral at guro sa lungsod ng Pasig na nasa ilalim ng pamamahala ng Pasig Department of Education Schools Division Office (Pasig DepEd SDO) at LGU, K-12 at PLP.

Nitong Disyembre 6, kasamang lumahok ang Ugong National High School at Pasig Elementary School sa 28 paaralan sa Metro Manila na nakiisa sa pilot run ng limited face-to-face classes, dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng active COVID-19 cases sa bansa.

Noong Oktubre 26 naman, namahagi ang lokal na pamahalaan ng laptops na may kasamang hard drives sa 40 newly hired teachers.

Sa kaniyang Viber message na ipinadala sa Manila Bulletin, sinabi ni Sotto na halos 4,600 pampublikong paaralan sa lungsod ang nabigyan ng laptop mula sa kanilang LGU.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga guro na may luma at hindi na gumaganang laptops ay maaaring makipag-ugnayan sa kanila upang mapalitan ito, basta’y may kasamang SDO.

Patrick Garcia

Tags: laptopPamantasan ng Lungsod ng PasigPasig CityPasig City Mayor Vico Sotto
Previous Post

Diego at Barbie, pareho ng sagot: Ano nga ba ang makasisira sa kanilang relasyon?

Next Post

2 pulis, sugatan matapos ang ‘accidental firing’ sa isang police training camp

Next Post
PNP, ipatutupad ang patakarang ‘no vaccine, no work’

2 pulis, sugatan matapos ang ‘accidental firing’ sa isang police training camp

Broom Broom Balita

  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
  • Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima
  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.