• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Xian Gaza: ‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?

Richard de Leon by Richard de Leon
December 6, 2021
in Showbiz atbp.
0
Xian Gaza: ‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?

Xia Gaza, Julia Barretto, at Gerald Anderson (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si Gerald Anderson naman ngayon ang puntirya ng ‘Pambansang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza.

Matapos ang mga pasabog niya kina Kylie Padilla, AJ Raval, Aljur Abrenica, Barbie Imperial, at Diego Loyzaga, ang katambal naman ng baguhang singer at aktres na si Gigi De Lana ang ‘sinisilaban’ ngayon ni Xian sa pamamagitan ng mga nambibiting chika, na inaabangan naman ng mga ‘Marites and friends’.

Nagsimula ito sa pagpo-post ni Xian nitong Disyembre 5 kung saan sinabi niyang “Work hard until your idols become your tropa” na pumapatungkol kay Gigi De Lana. Pagkatapos, ibinahagi niya ang larawan nila ni Gigi habang magkasama at magka-finger heart pa. May caption itong ‘Happy ako ngayon kasi may bago akong tropa’.

May be an image of 2 people and indoor
Xian Gaza at Gigi De Lana (Larawan mula sa FB/Xian Gaza)

Bandang gabi, nag-post ulit si Xian na nakahiga na siya sa kama at ang caption ay “Matutulog nang nakangiti. Good mornight po sa lahat except kay Gerald Anderson. (see top comment).”

May kasunod kaagad ito, “Mars, eto na nga. Nakakapit ka na ba? Alam mo ba si Gerald wait tulog lang ako brb”.

Maya-maya, ibinahagi na ni Xian ang naging pag-uusap nila nang nakilalang si Gigi.

“So eto na nga ang chika mga Mars. Nagtsismisan kami ni Gigi kaninang madaling-araw sa lobby ng isang mamahaling hotel na ‘di afford ng mga Marites na hampaslupa.”

“Sabi ko, ‘What if sirain ko relasyon ni Gerald at Julia para wala nang hadlang sa love team n’yo?'”

“Sagot niya (non-verbatim), ‘Hoy Xian huwag gano’n! Bad ‘yon! Mabuting tao si Gerald. He’s a very nice guy. Everyone loves him. Nami-misunderstood lang talaga siya ng madlang people at alam mo naman ang social media ‘di ba? Parang ikaw lang din.'”

“Sabi ko, “Gigi, may sasabihin ako sa ‘yo. Ating dalawa na lang sana ‘to. Huwag na lang sana makakalabas ha? May mga alam kasi ako kay Gerald na hindi mo alam…'”

“GIGI: “Sige sige, like what?'”

“‘One time, nung nasa isang lock-in taping si Julia…'”

Sa pagkakataong ito ay nambitin na si Xian.

“Wait Mars, dumating na yung food delivery ko. Kunin ko lang sa baba. Brb.”

Sa sumunod na Facebook post, ibinahagi naman ni Xian ang pag-uusap nila ng isang nagngangalang ‘Lhea Bernardino’.

“Lhea Bernardino: ‘Mars!!! Ano ginawa ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?? Dali na please! Nakakabitin!'”

“XIAN GAZA: ‘Aba ang Gerald mo eh kinita si…'”

At ang latest Facebook post niya ay nitong Disyembre 6 (Kay aga-agang tsaa!).

“Kung ang tawag sa mga supporters ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawans at sa mga supporters ni BBM ay Marcos Apologists… ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Barretto?”

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Ano na naman kaya ang pasabog na ito ni Xian Gaza hinggil kay Gerald, na may teleseryeng ‘Hello, Heart’ katambal si Gigi De Lana? Kaya mga Marites and friends, kumuha na ng popcorn at abangan ang mga susunod na kabanata.

Tags: gerald andersonGigi De LanaXian Gaza
Previous Post

Expiry date ng mga donasyong bakuna, tututukan ng gobyerno — Nograles

Next Post

Oil price rollback, ipatutupad ng Disyembre 7

Next Post
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Oil price rollback, ipatutupad ng Disyembre 7

Broom Broom Balita

  • Bea, mukhang gurang na raw kumpara kay Marian at parang tiyahin ni Alden, birada ni Lolit
  • Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos
  • Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo
  • ‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon
  • Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay
Bea, mukhang gurang na raw kumpara kay Marian at parang tiyahin ni Alden, birada ni Lolit

Bea, mukhang gurang na raw kumpara kay Marian at parang tiyahin ni Alden, birada ni Lolit

May 26, 2022
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

May 26, 2022
Mayor Isko: Bago at modernong Manila Zoo, matatapos na ngayong taon

Habang libre pa ang entrance: Domagoso, hinihikayat ang publiko na bumisita sa Manila Zoo

May 26, 2022
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

DOTr: LRT-1, wala pa ring taas-pasahe

May 26, 2022
Susan Roces, inihatid na sa huling hantungan; itinabi sa puntod ni Da King

Susan Roces, inihatid na sa huling hantungan; itinabi sa puntod ni Da King

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.