• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Fit to lead’: VP Leni, nagbisikleta sa Iloilo

Balita Online by Balita Online
December 4, 2021
in Balita, National / Metro
0
‘Fit to lead’: VP Leni, nagbisikleta sa Iloilo

Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan ride a bicycle with women and children bikers at Iloilo Esplanade on Saturday, Dec. 4, 2021. (Arnold Almacen/Iloilo City Mayor’s Office)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo sa publiko nitong Sabado, Disyembre 4, na siya ay fit and healthy para maging susunod na pangulo ng bansa sa 2022.

Binigyang-diin ni Robredo, pinuno ng oposisyon, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pangulo na malusog upang maisagawa ang mga gawain.

“Well, ano kasi, may obligasyon tayong manilbihan sa taong-bayan in the best way we can. Sa akin, mula noong nag-vice president ako, talagang nag-exert ako ng maraming effort to make sure that I’m healthy dahil kung nagkakasakit ka, it takes you away from your work eh,” aniya sa mga media sa Iloilo City.

Nagbisikleta ang bise presidente sa Iloilo Esplanade kasama ang kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan. Lumahok rin ang mga kababaihan at batang bikers sa naturang event na pinangalanang “Ride for Leni.”

Inorganisa ang Ride with Leni ng Ilonggo biking community upang ipagdiwang ang dalawang national gold awards na Most Bicycle-Friendly City 2021 from Mobility Awards, at Best in Bike Lanes 2021 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Dumalo rin sa okasyon sina Senador Franklin Drilon; Senate bets Chel Diokno, Sonny Matula, at Alex Lacson; Iloilo City Mayor Jerry Treñas, at iba pang lokal na opisyal.

Sinabi ni Robredo na nais niyang gayahin ang mga bike-friendly lane at imprastraktura ng Iloilo City para sa buong bansa.

Ibinahagi rin ni Robredo na wala siyang oras na magbisikleta dahil nakatira siya sa isang condominium unit sa Metro Manila at matagal nang hindi nakakauwi sa Naga City.

“Ang tagal na noong last bike ko,” aniya.

“Sana, sana magawa natin ‘yung nagawa ni Iloilo, ng Iloilo, in many other parts of the Philippines,” dagdag pa niya.

Tags: iloilo cityRide for LeniVice President Leni Robredo
Previous Post

Herbert, magandang influence kay Ruffa, sey ni Annabelle Rama

Next Post

1 timbog sa ₱1.6M shabu sa Taguig City

Next Post
1 timbog sa ₱1.6M shabu sa Taguig City

1 timbog sa ₱1.6M shabu sa Taguig City

Broom Broom Balita

  • RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox
  • Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’
  • Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’
  • Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit
  • Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos
RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

May 26, 2022
Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

May 26, 2022
Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

May 26, 2022
Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

May 26, 2022
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.