• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Halos ₱120K shabu nasabat sa Makati, Pasay at Muntinlupa

Balita Online by Balita Online
December 3, 2021
in Balita, National / Metro
0
Halos ₱120K shabu nasabat sa Makati, Pasay at Muntinlupa

Larawan: SPD PIO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakumpiska ang kabuuang ₱119,680 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Makati City, Pasay City, at Muntinlupa City nitong Disyembre 2.

Larawan: SPD PIO

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, Station Intelligence Section at Sub-Station 6 ng Makati City Police sa 7457 Bernardino St., Brgy. Guadalupe Viejo dakong 6:30 ng gabi na ikinaaresto ng suspek na si Charles Balisong, alyas “Ita,” 26.

Narekober kay Balisong ang 12.8 gramo ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng ₱87,040, marked money at coin purse.

Larawan: SPD PIO

Sa Pasay City, nadakip ng SDEU personnel ang suspek na si Gabriel Bardoquillo, alyas “Tol Gabriel,” 31, nasa drugs watchlist ng pulisya, matapos bentahan ng ilegal na droga ang police poseur buyer sa  Tulip St., Brgy. 184, Zone 19, Maricaban bandang 6:00 ng gabi.

Nasamsam kay Bardoquillo ang pitong pakete na naglalaman ng umano’y shabu na may halagang ₱25,840.00, buy bust money at coin purse. Samantala, sa lungsod ng Muntinlupa, ikinasa ng mga tauhan ng SIS ang anti-criminality operation sa Upper Sucat, Brgy. Sucat, dakong  10:30 ng gabi na ikinaaresto ng suspek na si Cherry Caagbay, 46, at residente sa Upper Sucat, Brgy. Sucat nang makumpiskahan ng 1 gramo ng shabu na may standard drug price of ₱6,800. 

Larawan: SPD PIO

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensible Dangerous Drugs Act of 2002 habang itinurn-over ang mga ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Bella Gamotea

Tags: illegal drugsmuntinlupa
Previous Post

‘She is not a flight risk’: Rappler CEO Ressa, lilipad ng Norway matapos payagan ng CA

Next Post

Panukalang batas sa Kongreso, layong palawakin ang discount ng PWDs sa toll fees sa expressways, skyways

Next Post
10 partylist hopefuls, nagsumite ng CONA sa Day 3 ng COC filing

Panukalang batas sa Kongreso, layong palawakin ang discount ng PWDs sa toll fees sa expressways, skyways

Broom Broom Balita

  • Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck
  • Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis
  • ‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t
  • Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?
  • 15 bagyo, asahan pa ngayong 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Isang hepe ng pulisya sa Batangas, patay matapos sumalpok sa isang 10-wheeler truck

June 29, 2022
Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

June 29, 2022
‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

June 29, 2022
Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

June 29, 2022
15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

June 29, 2022
SolGen Calida, itinalagang hepe ng COA

SolGen Calida, itinalagang hepe ng COA

June 29, 2022
Bagong graduate na SHS student, ibinida ang tatay kahit basa ng pawis, marumi ang damit

Bagong graduate na SHS student, ibinida ang tatay kahit basa ng pawis, marumi ang damit

June 29, 2022
Badjao, kumikita ng mahigit ₱500 araw-araw sa pamamagitan ng ‘kalabit-penge’

Badjao, kumikita ng mahigit ₱500 araw-araw sa pamamagitan ng ‘kalabit-penge’

June 29, 2022
Listahan ng mga dawit umano sa smuggling, ipinadala na sa Ombudsman

Listahan ng mga dawit umano sa smuggling, ipinadala na sa Ombudsman

June 29, 2022
Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.