• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Edu at Cherry Pie, pantapat daw sa KathNiel, biro ni Luis Manzano

Richard de Leon by Richard de Leon
December 5, 2021
in Showbiz atbp.
0
Edu at Cherry Pie, pantapat daw sa KathNiel, biro ni Luis Manzano

Luis Manzano, Edu Manzano, at Cherie Pie Picache (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Aminado ang anak ni Edu Manzano kay Vilma Santos na si Luis Manzano na nabigla siya at hindi niya inaasahan ang relasyon nina Edu at Cherry Pie, na umusbong sa lock-in taping nang serye nilang ‘Marry Me Marry You’ na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sa nasabing serye, mag-ex partner ang mga karakter nina Edu at Cherry Pie at anak nila ang karakter na ginagampanan ni Paulo. Ngunit may iba na ring kinakasama ang karakter ni Edu, na ginagampanan naman ni Teresa Loyzaga.

“Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming,” wika ni Luis sa naging panayam ni G3 San Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/

Nalaman niya ang tungkol dito nang may magpadala raw sa kaniyang kaibigan ng larawan ng ama at Cherry Pie na magkasama. Agad naman niya itong kinumpirma kay Daddy Edu niya.

““He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy-ng happy,” kuwento ni Luis.

Biro nga niya, kung maibabalik daw ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2022, malamang daw ay itatapat sa ‘KathNiel’ ang kanilang tambalan.

Ang tambalang KathNiel ay binubuo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nagkasama naman sina Luis at Cherry Pie sa teleseryeng ‘Kampanerang Kuba’ na pinagbidahan ng noon ay kalilipat lamang sa ABS-CBN na si Anne Curtis, noong 2005.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan at pinusuan ng mga netizen ang sweet photos nina Edu at Cherry Pie habang nasa Florida, USA sila kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Si Edu Manzano naman ang unang nagkumpirma na in a relationship na nga sila ng mahusay na aktres.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/cherie-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/

Tags: Cherie Pie Picacheedu manzanoluis manzano
Previous Post

Fully-vaccinated adults, puwede nang magpa-booster shots simula Disyembre 3

Next Post

National vaccination days pinalawig hanggang Disyembre 3

Next Post
National vaccination days pinalawig hanggang Disyembre 3

National vaccination days pinalawig hanggang Disyembre 3

Broom Broom Balita

  • DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang
  • Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog
  • Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz
  • 3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong
  • John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’
DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

August 12, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog

August 12, 2022
Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

August 12, 2022
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

3 marijuana courier, hinatulan ng multang P500K, habambuhay na pagkakakulong

August 12, 2022
John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

John Arcilla, ‘pinagbabantaan’ ng mga gigil na gigil na netizen dahil sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

August 12, 2022
Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

Chinese, 3 pa huli! ₱2.5B illegal drugs, nabisto sa warehouse sa Pangasinan

August 12, 2022
Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

Drug den sa Camiling, Tarlac, bistado; 6 suspek, nakorner

August 12, 2022
KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

KC Montero, ipinagtanggol si Alex: Viral stint ni Matteo sa ‘Tropang LOL,’ prank lang

August 12, 2022
Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

Vince Tañada nalungkot sa mga piniling salita sa ‘Katips’ review ni Suzette Doctolero

August 12, 2022
₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

₱272M shabu, naharang sa La Union–2 arestado — PDEA

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.