• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Heaven Peralejo, nilinaw kung ano ang tunay na relasyon nila ni Kimpoy Feliciano

Richard de Leon by Richard de Leon
December 1, 2021
in Showbiz atbp.
0
Heaven Peralejo, nilinaw kung ano ang tunay na relasyon nila ni Kimpoy Feliciano

Heaven Peralejo, Darla Sauler, at Kimpoy Feliciano (Larawan mula sa

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binasag na ni Heaven Peralejo ang kaniyang katahimikan hinggil sa tunay nilang relasyon ng vlogger-social media influencer na si Kimpoy Feliciano, sa latest vlog/bag raid/tell-all interview ni Darla Sauler sa kaniya, nitong Nobyembre 23.

Si Darla Sauler ay isa sa mga writer ng ilang mga naging top-rating shows ng ABS-CBN shows, gaya ng Kris TV, Magandang Buhay, Gandang Gabi Vice, at marami pang iba.

Sa bag raid at tell-all interview ni Darla, diretsahan niyang tinanong si Heaven kung sila na nga ba ni Kimpoy. Kung hindi raw niya kilala si Heaven, iisipin niyang sila na ng social media influencer dahil tinawag pa niyang ‘beh’ si Kimpoy. At kung susuriin daw ang mensahe ni Kimpoy para sa kaniya, parang may malalim na itong nararamdaman para sa dalaga.

“Real talk, Heaven… boyfriend mo ba si Kimpoy Feliciano?” tanong ni Darla kay Heaven.

Isang madiing ‘Hindi’ ang isinagot ni Heaven.

“Hindi! Hindi talaga… as in… ‘di ba kunwari yung friend mo na… ‘Uy beh!’ gano’n… gano’n lang talaga guys,” paglilinaw ni Heaven.

“Pero kasi kami ni Kimpoy, we are very, very best friends.”

Darla Sauler at Heaven Peralejo (Screengrab mula sa YT)

Muli siyang inuntag ni Darla tungkol sa sinabi niya noon na nakapokus muna siya sa kaniyang sarili, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nila ni Kiko Estrada.

“Oo… single ako but not ready to mingle. Yung kay Kimpoy guys, masaya lang din talaga na nagkaroon ako ng kaibigan sa showbiz. Iyon yung parang thankful kami sa isa’t isa, na family nakahanap ka rin ng kaibigan talaga, na alam mo ‘yun, lumalabas kahit hindi magkasama sa work, gano’n…”

Bahagi rin ng panayam ang pagsasabi ni Heaven na sanay na siya sa mga intriga kahit noong nasa loob pa lamang siya ng Bahay ni Kuya. Naging housemate si Heaven sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Tinuruan umano siya ng kaniyang manager na si Ogie Diaz kung paano magre-react sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya.

Tags: Darla SaulerHeaven PeralejoKimpoy Feliciano
Previous Post

EXO Kai, nagbabalik para sa bago nitong album na ‘Peaches’

Next Post

Kitkat Favia, nagpa-picture kay Paolo Contis: ‘Bashers… pasok!’

Next Post
Kitkat Favia, nagpa-picture kay Paolo Contis: ‘Bashers… pasok!’

Kitkat Favia, nagpa-picture kay Paolo Contis: 'Bashers... pasok!'

Broom Broom Balita

  • Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan
  • Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH
  • “Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang sana”—Sharon Cuneta
  • Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas
  • Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”
Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan

Tarpaulins, ginawang bags na ido-donate sa ilang komunidad, paaralan

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

Unang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, natukoy ng DOH

May 17, 2022
“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang  sana”—Sharon Cuneta

“Respeto, pagmamahal, at pag-unawa… ‘yun lang sana”—Sharon Cuneta

May 17, 2022
Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas

Ina na biglaang namatayan ng anak dahil sa diabetes, nagbabala sa mga sintomas

May 17, 2022
Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

Xian Gaza at Barbie Imperial, ‘naglambingan’ sa social media: “Lagi mo ko inaaway…”

May 17, 2022
Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

Archie Alemania, di pa nakakausap si Gab Valenciano: “Wala naman kaming samaan ng loob”

May 17, 2022
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

May 17, 2022
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

May 17, 2022
Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.