• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Entertainment

Kpop star Cha Eun Woo, nakisakay sa kulturang Pilipino

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
November 29, 2021
in Entertainment
0
Kpop star Cha Eun Woo, nakisakay sa kulturang Pilipino

Larawan: screen grab mula sa Penshoppe/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaliw ng Kpop star at ‘Face genius’ na si Cha Eun Woo ang Filipino fans matapos nitong sariwain ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-alam ng tourist spots sa bansa at pag-aaral ng Tagalog.

Sa ikalawang episode ng Penshoppe TV, bibong nag-presenta ng mga pagkaing Korean at pag-aaral nang bahagya sa kultura ng Pilipinas ang nasabing K-pop star.

Sa unang bahagi ng show, sa segment na W.E.W.E. o What Eun Woo Eats, iprinesenta niya ang kanyang mga paboritong pagkain.

Ilan sa ibinahagi niya bilang mga paboritong pagkain ay pork belly, makgeolli o alcohol drink na gawa sa bigas, pajeon, isang uri ng pancake na gawa sa gulay at seafood, bibimnaengmyun o spicy cold noodle dish, mandu o korean dumplings, at snack wraps.

Samantala, inirekomenda naman ng K-pop star sa mga Filipino fans nito ang Fried chicken at Rapokki o pinagsamang teopokki at ramyeon noodles pati na rin ang ‘Ah Ah’ o iced americano.

Nakatanggap din si Eun Woo ng ‘balikbayan box’ at nauna na niyang ipinakita ang laman nitong ukulele, representasyon ng pagmamahal ng mga Pilipino sa musika.

“I sang a filipino song at my last fan meeting in the Philippines, and I also listened to a lot of Filipino songs while I was studying in the Philippines,” pagbabahagi ni Eun Woo.

Naglalaman din ang balikbayan box ng Pinoy delicacy na chicharon, at mga larawan ng sikat na tourist spot sa bansa.

Ilan sa mga sikat na lugar na ipinakita ni Eun Woo ay ang Boracay, Bananue rice terraces, Baguio, Taal volcano, El Nido, Mayon volcano, at Tinuy-an falls.

Pumili naman siya ng destinasyon na gusto niyang puntahan kung sakaling pupunta siya ng Pilipinas.

Aniya, “I want to go to Boracay and the one with the coral reefs… El Nido. I’d be really happy if I could go on a vacation to these two places.”

Na-feature rin ang tinaguriang “Philippine’s King of the Road” o jeepney.

Ibinahagi rin ng Kpop star ang kanyang karanasan sa pagco-commute noong nalagi siya sa Pilipinas.

“I used to ride this a lot. I would pay to get on it when I was little and just ride around with the older kids.”

Pagkatapos sariwain ni Eun Woo ang kanyang karanasan ay sinundan na ito ng ikalawang parte ng show na kung saan ay inaral niya ang ilan sa mga Tagalog na pangungusap.

Ang tatlong pangungusap na kanyang inaral at ginamit sa pakikipag-usap ay ang mga katagang “Kumain ka na?” “Ikaw ang lahat sa akin” at “Hindi ako makahintay na makita ka.”

Nag-iwan naman ng mensahe si Eun Woo sa mga Aroha, o fandom ng kinabibilangan nyang grupo na ‘Astro.’

Tags: Cha Eun Woo
Previous Post

2 opisyal ng Pharmally, nasa isolation facility na ng Pasay City Jail

Next Post

YouTuber, councilor aspirant Rosmar Tan, niregaluhan ng 1M cash sa kasal

Next Post
YouTuber, councilor aspirant Rosmar Tan, niregaluhan ng 1M cash sa kasal

YouTuber, councilor aspirant Rosmar Tan, niregaluhan ng 1M cash sa kasal

Broom Broom Balita

  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.