• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Cherry Pie at Edu, ibinahagi ang sweet moments habang nasa Florida

Richard de Leon by Richard de Leon
December 5, 2021
in Showbiz atbp.
0
Cherry Pie at Edu, ibinahagi ang sweet moments habang nasa Florida

Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Talaga nga namang hindi paaawat ang mga ‘love birds’ na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa pagbabahagi ng kanilang mga sweet moment bilang couple sa social media!

Kamakailan lamang ay inamin mismo ng premyadong aktor at host na si Edu Manzano na magkarelasyon na sila ni Cherry Pie, na kasama niya sa teleseryeng ‘Marry Me Marry You’. Tila nauwi na nga sa totohanan ang kanilang role doon na dating mag-asawa, pero in real life, mag-jowa na talaga na sila!

Makikita sa latest Instagram post ni Cherry Pie ang mga larawan nila ni Edu kasama ang ilang mga kaibigan. Makikita rin na tila magkasama sila sa isang boat trip.

“My Winter Haven, Florida visit was definitely heavenly! It was so nice to touch base with dearest friends who have become family,” ayon sa caption ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram post.

Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)
Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)
Edu Manzano at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)
Edu Manzano, Cherry Pie Picache at mga kaibigan sa Florida (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Umugong ang chismis na may namamagitan sa kanila ni Edu nang ibahagi niya sa kaniyang IG ang isang litrato kung saan makikitang nakasandig siya sa balikat ng aktor, sa isang trip sa New York City, nitong Nobyembre 11.

Kinumpirma naman ni Edong ang chismis na ito sa isang text message sa News 5 broadcaster na si Cheryl Cosim nitong Nobyembre 19.

Well, wala naman umanong masama sa kanilang relasyon. Pareho naman silang single at hiwalay sa kani-kanilang mga naging partners, though may mga junakis sila pero malalaki na rin naman.

Sabi nga, ‘Go lang nang go!’ Wala namang edad ang pag-ibig, ‘di ba?

Tags: Cherie Pie Picacheedu manzanoFlorida
Previous Post

Comeback drama ni Kim Soo-Hyun, ‘mas intense!’

Next Post

Marian Rivera, magsisilbi nga bang hurado sa Miss Universe 2021 sa Israel?

Next Post
Marian Rivera, magsisilbi nga bang hurado sa Miss Universe 2021 sa Israel?

Marian Rivera, magsisilbi nga bang hurado sa Miss Universe 2021 sa Israel?

Broom Broom Balita

  • Pasay gov’t, nagsagawa ng libreng developmental screening para sa mga bata
  • Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran
  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
  • Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima
  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

Pasay gov’t, nagsagawa ng libreng developmental screening para sa mga bata

August 19, 2022
Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

August 19, 2022
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.