• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gerald, hinayaang maging komportable sa kaniya si Gigi: ‘We feel like we made magic’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 24, 2021
in Showbiz atbp.
0
Gerald, hinayaang maging komportable sa kaniya si Gigi: ‘We feel like we made magic’

Gerald Anderson at Gigi De Lana (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa man umeere ang unang seryeng pagtatambalan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana na ‘Hello, Heart’ ay kinakikiligan na ito ng mga netizen.

In fairness naman kay Gerald, kahit na medyo iniintriga ang kaniyang ‘kamandag’ pagdating sa mga babae, lalo na sa mga nakakatambal niya, isa siya sa mga maipagmamalaking leading men ng Kapamilya Network.

Maraming first time sa tambalang ito. Unang beses na magsasama sa isang serye sina Gerald at Gigi. Ito rin ang unang beses na magli-lead role si Gigi, bagama’t ito ang pangalawang beses na makikita siyang umakting at magpapakilig.

Kaya naman inamin ni Gigi sa naganap na virtual media conference para sa kanilang serye nitong Martes, Nobyembre 23, na halo-halo ang emosyong nararamdaman niya, lalo na noong nagte-taping pa lamang sila. Excitement, pressure, at kaba raw ang namamayani sa kaniyang dibdib.

Kaya kahit bagito pa siya sa pag-arte, talagang 100% ang ibinigay niya, para naman hindi mapahiya sa mga kasamahan at sa mga boss na nagtiwala sa kaniya.

“It’s my first time doing this kasi puro kanta ako, di ba? Talagang na-pressure ako pero alam ko naman na gagawin ko ‘yung best dito sa project na ito. I will give 100% para sa series na ito. Kahit first time ko ito, gagawin ko siyang parang ‘di ko first time,” sey ni Gigi.

Syempre, nakasuporta naman sa kaniya ang leading man na si Gerald Anderson na puro papuri ang ibinibigay sa kaniya. Ibang Gigi raw ang mapapanood dito ng mga tagahanga ng viral singer.

“ABS-CBN will be so proud of her. ‘Yung mga fans sobrang magiging proud din sa kaniya. Kasi napapanood siya sa YouTube sa ginagawa niyang mga kanta, ito ibang platform,” ani Gerald.

Kung ire-rate naman niya ang aktingan ni Gigi, ano ang ibibigay niya?

“Outstanding. Not just with the performance but also sa effort na binigay niya, ‘yung passion na binigay niya. Alam mo talagang she cares for this. Malayo pa ang mararating sa platform na ito.”

Hinayaan na lamang umano ni Gerald na maging komportable sila ni Gigi sa isa’t isa. Syempre, ilang pa si Gigi sa ilang mga eksena nila, lalo na ang mga titigan portion.

“Hindi mo make-create ‘yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it’s her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment,” pag-amin ni Gerald.

“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15.”

Matatandaang sinabi ni Gerald na siya ang magiging coach ni Gigi.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/28/gerald-anderson-kay-gigi-de-lana-ako-ang-coach-mo/

Mapapanood sa online streaming platform na ‘iQiyi’ ang kanilang unang tambalan sa Disyembre 15, kapartner ng ABS-CBN.

Tags: gerald andersonGigi De LanaHello HeartiQiyi
Previous Post

Ano nga ba ang mga bagong ‘pinkiusap’ ng Robredo-Pangilinan tandem?

Next Post

SoKor, magdo-donate pa ng AstraZeneca vaccine sa PH

Next Post
SoKor, magdo-donate pa ng AstraZeneca vaccine sa PH

SoKor, magdo-donate pa ng AstraZeneca vaccine sa PH

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.