• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Alma Moreno, idinaan sa pelikula ang sama ng loob kay Karen Davila?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 22, 2021
in Showbiz atbp.
0
Alma Moreno, idinaan sa pelikula ang sama ng loob kay Karen Davila?

Alma Moreno at Karen Davila (Screengrab mula sa YT/Headstart)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga bida sa pelikulang ‘#Pornstar 2: Pangalawang Putok’ ay ang dating sex symbol at politikong si Alma Moreno, kasama sina Ara Mina, Maui Taylor, at Rosanna Roces sa direksyon ni Darryl Yap na ipalalabas sa pamamagitan ng Vivamax.

Sa pelikulang ito, ginagampanan nila ang mismong persona nila. Isa raw sa mga eksena sa pelikula ay ang pagbanggit ni Alma tungkol sa naranasang ‘pagkapahiya’ sa panayam ng isang reporter na hindi naman binigyan ng pangalan.

“Hindi na ako magbabanggit, sa TV. Yung sa TV po na yung isang reporter na sumagot na ako pero talagang idinidiin, idinidiin po ako hanggang sa napahiya na ako. Hanggang sa bashers ko, sobra na. Hindi na lang po ako sumagot,” umiiyak na linya ni Alma sa pelikula.

“Hindi porke mga sexy star kami, bold star kami, huhusgahan n ‘yo lahat dahil kami ho, tao lang na nasasaktan din pero may puso ho kami.”

Matatandaang naging viral noong 2015 ang naging one-on-one interview ni Karen Davila kay Alma, na tumatakbong senador noon.

Ang naturang programa ay ang ‘Headstart’ sa ABS-CBN News Channel o ANC kung saan nagbabato ng mga pinakamahihirap na tanong si Karen upang makilatis nang husto ang kaniyang guests, lalo na at malapit na ang eleksyon ng mga panahong iyon.

Ilan sa mahahalagang isyu na tinanong ni Karen kay Alma ay tungkol sa kung pabor ba ito sa political dynasty same-sex marriage, women’s rights, at kung ano ang masasabi niya tungkol sa reproductive health law. Tinanong siya kung ‘yes’ ba siya rito o ‘yes with reservations’.

WATCH: Super Awkward Interview Between Karen Davila and Alma Moreno - When  In Manila
Alma Moreno at Karen Davila (Screengrab mula sa YT/Headstart

“Ang hirap naman… kailangan bang sagutin ‘yan?” pabirong tanong ni Alma.

“Yes, you’re running for the senate,” sagot naman ni Karen.

Pabirong sagot ni Alma, huwag na lamang daw hayaang magpatay ng ilaw ang kabahayan ng mga mag-asawang medyo hikahos sa buhay upang maiwasan ang paglobo ng populasyon.

Umani ng batikos si Alma mula sa mga netizen. Hindi rin siya pinalad na manalo sa eleksyon.

Samantala, sa isang Instagram post noong Nobyembre 2015 ay ipinaliwanag naman ni Karen ang kaniyang panig. Aniya, wala siyang intensyon na ipahiya si Alma at ginagawa lamang niya ang trabaho niya—ang ibato ang mga pinakamahihirap na tanong, lalo na’t tatakbo si Alma sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan. Kung tutuusin daw ay basic na lamang ang mga tinanong niya.

“If you watched the interview in full, you will see that I shifted to Tagalog, during many times. I tried to help her.

“My previous interviews were much tougher—with Senator Bongbong Marcos, for example, or Manila International Airport Authority GM Angel Honrado.”

“When someone is running for higher office, they must have an understanding of issues. This is a standard we owe to the Filipino people. You will choose in the end. My job is to ask the hard questions.”

Ngunit hindi kumbinsido rito ang anak ni Alma at Dolphy na si Vandolph Quizon. Para sa kaniyang pananaw, ‘below the belt’ ang naging paraan ng pagtatanong ni Karen sa kaniyang ina, ayon sa naging panayam ni Dolly Anne Carvajal.

“Karen should not choose whom to respect. She should treat her guests equally. The way she interviewed my mom was different.”

“Karen humiliated my mom on national TV. She kept pounding on her. She let my mom get rattled. My mom deserves to be respected because she is the chair of PCL (Philippine Councilors League), and she has been serving the country for so long. My mom is a person of action and not just words.”

Samantala, nitong Nobyembre 21 ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Karen kasama si Lyca Gairanod dahil sa naging viral niyang reaksyon na ‘Oh my God’ sa kaniyang vlog. Nalaman niya kasi na pareho sila ng birthday ni Lyca, at bibihirang pagkakataon lamang iyon.

Tags: Alma MorenoHeadstartKaren DavilaPornstar 2: Pangalawang Putok
Previous Post

Chie Filomeno, nagsalita tungkol kay Madam Inutz

Next Post

John Lloyd Cruz at Jessica Soho, ‘nag-date’ sa El Nido

Next Post
John Lloyd Cruz at Jessica Soho, ‘nag-date’ sa El Nido

John Lloyd Cruz at Jessica Soho, 'nag-date' sa El Nido

Broom Broom Balita

  • Rehabilitasyon ng mga nasirang eskwelahan dulot ng lindol sa Davao de Oro, aabot sa ₱7-M
  • ‘Maria Clara at Ibarra’ star David Licauco, pinangarap na makapag-asawa sa edad na 27
  • ‘May magrereklamo ba sa concert?’ Netizens, takang-taka na guest si Raffy Tulfo sa ‘Pinakamakinang’ concert
  • Ogie Diaz, papasukin na rin ang podcast: ‘Support n’yo ko ha?’
  • Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.