• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Daniel Padilla, ‘hindi kinaya’ ang pagsabak ng mga magulang sa politika

Richard de Leon by Richard de Leon
November 20, 2021
in Showbiz atbp.
0
Daniel Padilla, ‘hindi kinaya’ ang pagsabak ng mga magulang sa politika

Daniel Padilla, Karla Estrada, at Rommel Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi raw kinaya ni Kapamilya heartthrob Daniel Padilla ang stress na idulot sa kaniya ng desisyong pagsabak sa politika ng mga magulang.

Inamin ng ‘Magandang Buhay’ host na si Momshie Karla Estrada na na-stress si DJ sa pagtakbo niya bilang third nominee ng party-list na ‘Tingog’.

Ang tatay naman nitong si Rommel Padilla, tumakbong kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija noong 2019.

“Ako talagang napaka-transparent ko sa ganyan. Na-stress ‘yung anak ko. Na-stress siya, hindi niya kinaya,” pag-amin ni Karla sa latest showbiz vlog ni Ogie Diaz.

Iwas na iwas raw si Daniel sa mga usaping pampolitika, kaya nagulat ito nang mismong mga magulang niya ang sumabak na rito.

Hindi lang daw masalitang tao si Daniel, ngunit nakatitiyak niyang nauunawaan nito ang dahilan nila kung bakit sila nagdesisyong kumandidato.

“Si Daniel hindi masalitang tao pero 100% sa magulang ay doon ang kanyang suporta bilang kami ay kanyang mga magulang.”

“Wala siyang sinasabi ngayon, pero hindi rin siya kumokontra sa amin. Actually ako kapag nagkukuwento ay happy siya. Basta ang importante ay masaya raw ako. Ganoon din sa ama niya. Walang problema si DJ. Pero alam ko ‘yung nasa loob niya parang ‘hindi ko kaya itong mga magulang ko,’ yung ganoon. Gusto niyang umakting nang ganoon. Pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli iisa lang ang nanay niya at iisa lang ang tatay niya, hindi ba? Eh saan pa ba ang suporta eh ‘di sa amin.”

Sey pa ni Karla, ayos lang umano na wala sa kaniyang tabi si Daniel, kung magdesisyon itong huwag siyang samahan sa pangangampanya, dahil ang mas mahalaga sa kaniya ay makuha niya ang suporta ng mga botante, at maipakita sa kanila na malinis ang intensyon niya sa kaniyang pagtakbo.

Isa pa sa mga naging isyu sa pagtakbo ni Karla ay ang sinamahan niyang party-list, na ang kasalukuyang kinatawan sa Kongreso ay si Yedda Romualdez na isa sa mga bumoto upang huwag pahintulutan ang ABS-CBN na makapag-renew ng prangkisa noong 2020.

Ang kasalukuyang home network ng mag-ina ay ABS-CBN. Iginalang naman ng management ang kaniyang kandidatura, at naglabas pa ng opisyal na pahayag ukol dito.

ABS-CBN statement on Karla Estrada – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin
Tags: Daniel Padillakarla estradaRommel Padilla
Previous Post

Alitangya, nanalasa sa Nueva Ecija at ilang karatig-lalawigan

Next Post

Baybayin ng Davao Oriental, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

Next Post
Baybayin ng Davao Oriental, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

Baybayin ng Davao Oriental, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

Broom Broom Balita

  • Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19
  • Allein Maliksi, bumida: Bossing, dinurog ng Meralco
  • Benepisyo para sa mga naging pangulo ng PH, isinusulong ng ilang senador
  • Jona Viray, Kapamilya pa rin, balik-ASAP na matapos machikang babalik sa GMA-7
  • NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.