• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Banat ni Mel kay Herbert, ‘improper at ungentlemanlike’ ang tweet: ‘Hindi po showbiz ang Senado’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 20, 2021
in Showbiz atbp.
0
Banat ni Mel kay Herbert, ‘improper at ungentlemanlike’ ang tweet: ‘Hindi po showbiz ang Senado’

Mel Sarmiento Kris Aquino, at Herbert Bautista (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pinalagpas ni dating Department of Interior at Local Government Secretary o DILG Secretary Mel Sarmiento, na fiance ni Kris Aquino, ang tila ‘parinig’ na tweet ni dating Quezon City mayor at ngayon ay senatorial candidate Herbert Bautista.

“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang” ayon sa tweet ni Bistek, para kay presidential aspirant Panfilo Lacson, na burado na ngayon.

Bagama’t walang binabanggit na pangalan, gets naman ng mga ‘Marites and company’ na baka ang tinutukoy umano ni Bistek ay ang dating naugnay sa kaniya na close friend na si Kris Aquino, na eventually ay engaged na nga kay Mel.

Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag si Mel para kay Bistek, na tila hindi nagustuhan ang ginawa nito.

“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.”

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.”

Sa halip daw na ungkatin pa ni Bistek ang nakaraan, magpokus na lamang umano siya sa paglalatag ng mga achievement niya bilang public servant upang makumbinsi ang taumbayan na iboto siya bilang senador.

“Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.”

“Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon.”

Matatandaang inanunsyo ni Kris ang engagement nila ni Mel nitong Oktubre, subalit wala pang detalye kung kailan siya magiging ganap na Mrs. Kris Aquino Sarmiento.

Samantala, wala pa namang pahayag ukol dito si Herbert.

Tags: herbert bautistakris aquinoMel Sarmiento
Previous Post

Enrollment ngayong taon, tumaas ng 1M — DepEd

Next Post

Alitangya, nanalasa sa Nueva Ecija at ilang karatig-lalawigan

Next Post
Alitangya, nanalasa sa Nueva Ecija at ilang karatig-lalawigan

Alitangya, nanalasa sa Nueva Ecija at ilang karatig-lalawigan

Broom Broom Balita

  • Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19
  • Allein Maliksi, bumida: Bossing, dinurog ng Meralco
  • Benepisyo para sa mga naging pangulo ng PH, isinusulong ng ilang senador
  • Jona Viray, Kapamilya pa rin, balik-ASAP na matapos machikang babalik sa GMA-7
  • NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.