• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Barbie at Christine, nagkampihan; Xian Gaza, si Diego ang puntirya!

Richard de Leon by Richard de Leon
November 18, 2021
in Showbiz atbp.
0
Barbie at Christine, nagkampihan; Xian Gaza, si Diego ang puntirya!

Xian Gaza, Barbie Imperial, Diego Loyzaga, at Christine Samson (Screengrab mula sa FB/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila ‘nagkampihan’ sina Barbie Imperial at Christine Samson sa mga ipinakakalat na ‘chismis’ ng mga Marites at mga ‘kamag-anak’ nito, na sila ang ‘salarin’ kung bakit nagkahiwalay sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Nitong Nobyembre 17, chill lang na nag-post si Diego Loyzaga, ang boyfriend ni Barbie, at tila hindi ito apektado sa mga kumakalat na isyung ipinupukol kay Barbie ng mga Marites.

“Don’t get caught up in all that noise. It’s just noise. My baby girl and I are chillin’. So sit back, relax, enjoy life,” wika ni Diego sa kaniyang social media post.

Screengrab mula sa FB/Diego Loyzaga
May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Screengrab mula sa FB/Diego Loyzaga

Tumugon naman dito si Barbie, “Awww mahal ko, I love you!”

Pagkatapos, nagkomento naman rito si Christine Samson, “TAMAAAAA!”

May isa pang social media post si Christine na nagsasabing “Me staring at my screen reading all the lies I see today.”

Dedma rin sila sa panibagong pasabog at pang-iintriga ng self-proclaimed na ‘Lalaking Marites’ na si Christian Albert ‘Xian’ Gaza na lately ay gumagawa ng ingay sa social media, lalo na sa usaping showbiz.

Bagama’t sa isang official statement na inilabas ni Xian sa pamamagitan ng isang video na naka-upload sa kaniyang Facebook, wala naman siyang binabanggit na mga pangalan, kaya huwag siyang sisihin kung nakakaladkad ang mga pangalan ng kung sino-sinong celebrities.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Ipinaliwanag din ni Xian ang tungkol naman sa isa pa niyang cryptic Facebook post kung saan matapos lumabas ang kaniyang blind item, sinabihan niya ng ‘goodnight’ ang lahat, maliban sa aktres na si Barbie Imperial.

“Wala naman akong binabanggit, hindi ko kasalanan kung kinuha siya ng mainstream media at ginawang parang fact, at ikinonekta na doon sa blind item,” wika ni Xian.

Ginawa lamang daw niya iyon bilang ‘pambawi’ kay Barbie dahil sa lumalabas na video nito mula sa vlog, sa ‘totropahin o jojowain challenge’ noong 2020, kung saan nagpadala raw ng direct message si Xian kay Barbie, kung saan inaalok nito ng trabaho ang aktres kung sakaling hindi pa rin ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sabi ni Barbie, ‘No’ at nabanggit nga ng aktres na sangkot si Xian sa mga kaso ng scam.

Pero ang pangalawa at tunay na dahilan daw talaga, ‘pain’ lamang o bitag ito dahil alam niyang papalag at magre-react ang jowa nito, na walang iba kundi si Diego Loyzaga. Saka raw niya ibabagsak ang kaniyang tunay na ‘pasabog’.

At mukhang nagtagumpay nga si Xian dahil matapos nga ang post ni Diego, bumawi naman si Xian.

“Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?” malisyosong Facebook post ni Xian para kay Diego, na hindi naman nito tinugunan.

Sina Diego at AJ ay nagkasama sa Vivamax originals na ‘Death of a Girlfriend’ sa direksyon ni Yam Laranas, at talaga namang maiinit ang kanilang mga eksena rito.

Sabi pa ni Xian, ito raw ang tunay na pasabog na nais niyang ipahatid. Humingi siya ng paumanhin kay Barbie Imperial kung nakaladkad man ang pangalan nito sa blind item dahil sa kaniyang cryptic post, pero ang nais daw niya talagang puntiryahin ay si Diego Loyzaga.

Samantala, nagpatikim naman siya sa nalalamang detalye sa hiwalayan ng dalawang social media personalities na matagal nang magkarelasyon (hindi niya binanggit kung sino).

“There is a private person involved, hindi natin sila puwedeng i-involve kasi private individual… again, hindi natin sila puwedeng i-involve under the Marites code of the Philippines, kailangan nating protektahan ang kaniyang identity kahit nanira pa siya ng relasyon,” paliwanag ni Xian Gaza.

Tags: Barbie ImperialChristine SamsonDiego LoyzagaXian Gaza
Previous Post

Rabiya Mateo, Kapuso na! Ano ang magiging unang proyekto?

Next Post

6 timbog sa pamemeke ng vaccination card sa Maynila

Next Post
6 timbog sa pamemeke ng vaccination card sa Maynila

6 timbog sa pamemeke ng vaccination card sa Maynila

Broom Broom Balita

  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.