• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Barbie Imperial, Christine Samson, idinadawit sa Wil-Alodia break-up?

Balita Online by Balita Online
November 17, 2021
in Balita Archive
0
Barbie Imperial, Christine Samson, idinadawit sa Wil-Alodia break-up?

Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao, Christine Samson, at Barbie Imperial (Larawan mula sa Manila Bulletin/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung mukhang moved on na ang kakahiwalay lamang na mag-jowang sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, mukhang ang mga Marites ang hindi pa rin maka-move on nang tuluyan sa ‘pagsasaliksik’ kung sino nga ba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Matatandaang naunang maglabas si Alodia ng kumpirmasyong wala na sila ni Wil, sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 15.

“To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives,” aniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/alodia-gosiengfiao-at-wil-dasovich-hiwalay-na/

Nitong Nobyembre 16 naman, isang simpleng litrato naman na may simpleng caption ang kaniyang ipinost.

“One step at a time,” aniya. Bumaha naman ng mga encouraging words ang comment section, at mga mensahe na sana raw ay maayos pa nila ang kanilang relasyon, lalo’t si Alodia ang kasa-kasama ni Wil noong mga panahong nilalabanan ng vlogger ang sakit na cancer.

Si Wil naman, may IG post tungkol sa pagmo-move forward, nitong Nobyembre 16.

“Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life.”

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/16/latest-ig-post-ni-wil-dasovich-para-nga-ba-sa-ex-na-si-alodia/

“Simple, yet powerful words from my Sherpa friends.”

Sa TikTok, nakakaladkad ang pangalan ni ‘Genie-nga’ na si Christine Samson, at Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Si Christine ay kaibigan nina Alodia at Wil at madalas pang makasama sa TikTok videos o vlogs. Bago makilala sa It’s Showtime bilang si ‘Genie-nga’, isa siyang video game streamer.

Ngunit ang nakakapagtaka, bakit lumulutang ang pangalan ni Barbie Imperial sa isyu, gayong may Diego Loyzaga na siya? Marami sa mga netizens ang nag-uugnay sa kaniya kina Wil at Alodia, bagama’t tahimik pa rin hanggang ngayon ang kakahiwalay na couple, sa tunay na dahilan ng kanilang split up. Walang kumpirmasyon mula sa kanila kung totoo nga bang third party ang dahilan ng kanilang nakabibiglang hiwalayan.

Screengrab mula sa TikTok
Screengrab mula sa TikTok

At nito ngang Nobyembre 16, nakadagdag pa rito ang pa-blind item ng ‘Lalaking Marites’ na si Xian Gaza, na karamihan sa hula ng mga netizens, ay sina Wil at Alodia umano.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/17/blind-item-ni-xian-gaza-sinetch-itey-na-isang-sikat-na-influencer-ang-na-caught-in-the-act/

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon sina Christine at Barbie hinggil sa isyu at alegasyong ipinakakalat ngayon ng mga Marites sa online world.

Tags: Alodia GosiengfiaoBarbie Imperialbreak-upChristine SamsonWil Dasovich
Previous Post

Makahulugang tweet ni John Lapus: ‘Tumatakbo yung mga sure talo. May balak yata ang mga ito’

Next Post

Taguig: ‘Drug pusher’ huli sa ₱2.3M shabu

Next Post
Taguig: ‘Drug pusher’ huli sa ₱2.3M shabu

Taguig: 'Drug pusher' huli sa ₱2.3M shabu

Broom Broom Balita

  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
  • UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.