• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vice Ganda at Billy Crawford, inunfollow ang isa’t isa sa IG?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 15, 2021
in Showbiz atbp.
0
Vice Ganda at Billy Crawford, inunfollow ang isa’t isa sa IG?

Vice Ganda at Billy Crawford (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng ‘Marites’ na hindi na followers ang dating magkatrabahong sina Vice Ganda at Billy Crawford ng isa’t isa, sa social media platform na Instagram.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, kapag tiningnan at sinuri umano ang following ng dalawa, wala na at hindi na lumilitaw ang pangalan ng isa’t isa.

Screengrab mula sa IG/Vice Ganda
Screengrab mula sa IG/Billy Crawford

So tanong ngayon ng mga Marites, ‘anyare?’ May kinalaman daw ba ito sa ‘pasaringang’ nagaganap sa pagitan ng dating direktor nito, at kamakailan lamang ay mula kay Vice Ganda?

Matatandaang bago umalis si Billy Crawford sa ABS-CBN at lumipat sa TV-5, regular mainstay host muna si Billy sa It’s Showtime, at isa pa nga sa mga hurado ng ‘Tawag ng Tanghalan’ segment.

Nang lumipat si Billy sa TV-5, siya ang naging main host ng ‘Lunch Out Loud’ o LOL na prinodyus ng Brighlight Productions, na katapat ng dati niyang noontime show.

Noong Setyembre 2020, guests ni Vice sa kaniyang online talk show ang mag-asawang Billy at Coleen Garcia. Sinabi rito ni Vice na kahit magkakaiba na sila ngayon ng network at programa, mananatili silang magkakapamilya.

“I love you, at gagalingan mo sa mga gagawin mong trabaho. At alam mo, sa pamilya, di ba, meron kang kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porke’t lilipat siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya… Family kita… At mahal na mahal kita,” wika pa ni Vice noon kay Billy.

Noong Agosto 2021, sa unang anibersaryo ng LOL ay binasag ni Direk Bobet Vidanes ang kaniyang katahimikan kung bakit siya umalis ng It’s Showtime. Aniya, ‘mamamatay umano siya nang maaga’ roon at naging prayoridad umano ang kaniyang kalusugan. May mga desisyon umano sa show na minsan ay hindi na niya alam, o nagugulat na lamang na nangyayari na, at pakiramdam daw niya ay naba-bypass na siya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Kaya nang i-alok sa kaniya ang maging creative consultant ng LOL, agad siyang lumundag mula sa kaniyang show, na siya mismo ang bumuo, na laking-gulat naman ng mga It’s Showtime hosts.

Maging ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ay may pasabog din laban kay Direk Bobet, mula raw sa kaniyang hindi nangunguryenteng source. Tungkol umano ito sa ‘tunay na ugali’ at sinasabi ng direktor sa mga dating kasamahan sa It’s Showtime kapag siya ay nasa director’s booth.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/20/direk-bobet-tinawag-na-bobo-si-vhong-at-baklang-basura-ang-ugali-si-vice-ganda/

Nitong Nobyembre 13 naman, sa pag-welcome ng It’s Showtime hosts kay Ogie Alcasid, nagpasaring si Vice na alam umano ng kanilang direktor ang pagpasok nito, aware daw ito, at aprubado.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/vice-ganda-rumeresbak-nga-ba-kay-direk-bobet-sa-kaniyang-pasaring-sa-its-showtime/

Si Kuya Kim naman, may tila pasaring din umano sa komento niya sa Facebook post ni Camille Prats hinggil sa bagong achievement ng kuya nitong si John Prats, bilang bagong direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/

Sina Direk Bobet, Billy, at Kuya Kim ay magkakaibigan. Pare-pareho nilang hobby ang pagbibisikleta. Ibinida pa ito ni Kuya Kim sa isa sa mga vlogs niya.

Samantala, hindi pa naman sigurado ang lahat dahil pawang haka-haka pa lamang ito ng mga Marites at Mosang, dahil ang kumpirmasyon ay manggagaling mismo sa mga artistang iniisyu at involved.

Tags: billy crawfordInstagramunfollowingvice ganda
Previous Post

Blindness prevention program ng Las Piñas, umaarangkada

Next Post

Iwasan na dalhin ang mga bata sa matataong lugar — DOH

Next Post
Iwasan na dalhin ang mga bata sa matataong lugar — DOH

Iwasan na dalhin ang mga bata sa matataong lugar -- DOH

Broom Broom Balita

  • PH Marine Corps, ginawaran ng Military Merit Medal si Beatrice Gomez; Harnaaz Sandhu, proud!
  • RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox
  • Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’
  • Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’
  • Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit
PH Marine Corps, ginawaran ng Military Merit Medal si Beatrice Gomez; Harnaaz Sandhu, proud!

PH Marine Corps, ginawaran ng Military Merit Medal si Beatrice Gomez; Harnaaz Sandhu, proud!

May 26, 2022
RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

May 26, 2022
Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

May 26, 2022
Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

May 26, 2022
Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

May 26, 2022
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.