• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National/Probinsya

Tatakas? Mag-utol na Pharmally officials, inaresto sa Davao airport

Balita Online by Balita Online
November 15, 2021
in National/Probinsya
0
Tatakas? Mag-utol na Pharmally officials, inaresto sa Davao airport
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Senado ang magkapatid na opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos arestuhin ng mga tauhan ng Senate security team sa Davao City International Airport nitong Linggo ng hapon.

Hindi na nakapalag nina Pharmally president Twinkle Dargani at Mojit, corporate secretary ng kumpanya, nang dakmain sila ng Senate security sa loob ng LearJet 60 na pag-aari ng isang kumpanya na naka-base sa Singapore, na paalis na sana patungong Kuala Lumpur sa Malaysia.

Sa flight history ng eroplanong may flight number na VH-AND, umalis ito sa Singapore nitong Nobyembre 14 at kukuha sana ng mga pasahero sa nasabing lungsod.

Kabilang din sa nadakip ang ikatlong pasahero na hindi naman kasama sa lookout order, gayunman, pinagbawalan pa rin itong lumabas ng bansa.

Matatandaang na-cite in contempt ang magkapatid noong Oktubre 19 matapos silang tumanggi na iharap sa Senado ang hinihinging financial documents kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y iregularidad na pagbili ng pamahalaan ng medical supplies na panlaban sa pandemya ng COVID-19.

Partikular na iniimbestigahan ng Senado ang transaksyon ng kumpanya sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay ng pagbili ng ₱8.68 bilyong umano’y overprice na personal protective equipment at testing kits.

Zea Capistrano at Keith Bacongco

Previous Post

Ano-ano nga ba ang walong pelikulang kalahok sa MMFF 2021?

Next Post

LRTA administrator Reynaldo Berroya, pumanaw na

Next Post
LRTA administrator Reynaldo Berroya, pumanaw na

LRTA administrator Reynaldo Berroya, pumanaw na

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.