• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

SM MOA Globe, ‘naibalik’ na; ano nga ba ang kuwento sa likod ng ‘pagkawala’ nito?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 14, 2021
in National
0
SM MOA Globe, ‘naibalik’ na; ano nga ba ang kuwento sa likod ng ‘pagkawala’ nito?

Screengrab mula sa FB/SM Mall of Asia/Marites Clarabal

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang mga nakalolokang ‘plot twist’ sa mundo ng politika nitong Sabado, Nobyembre 13, nakisabay pa rito ang pagkawala ng SM Mall of Asia Globe na isa sa mga iconic landmarks ng naturang mall, na isang 360-degree metal structure na may 31 talampakan.

Bandang 11PM, kumalat sa TikTok ang video ng isang delivery rider na nagngangalang Chester D. Tangonan matapos niyang makuhanan sa video camera ng kaniyang cellphone, na may kumukuhang helicopter sa naturang malaking globe.

Marami rin sa mga residenteng naninirahan sa mga condominium doon ang nakakuha ng video ng pagkuha ng helicopter sa naturang globo, at agad na ipinakalat sa social media. Naging #1 trending topic pa nga ito sa Twitter.

Nag-isyu rin ng public notice ang SM MOA management hinggil sa nangyari. Kinumpirma nila na nawawala nga ang kanilang globo.

“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident,” saad sa kanilang opisyal na Facebook post.

May be an image of text that says 'MALL OF ASLA No Other Mall Comes Close PUBLIC NOTICE SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident. With our security measures in place, rest assured that the SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends.'
Larawan mula sa FB/SM Mall of Asia

Makikita ang malaking harang sa dating kinatatayuan ng MOA Globe. Nagkaroon din ng espekulasyon na baka irerenovate lang ito o magtatayo ng panibagong globo para sa isang kompanya.

Bandang 5:37 AM, isang nagti-TikTok na babaeng call center agent ang nakahagip sa kaniyang video ng pagbabalik ng MOA Globe ng isang helicopter.

Naibalik na nga talaga ang MOA Globe.

Ito pala ay promotion ng pelikulang ‘Red Notice’ starring Dwayne Johnson bilang si Detective John Hartley, ang top profiler ng FBI, si Ryan Reynolds bilang Nolan Booth, ang pinakamahusay na art thief sa buong daigdig, at si Gal Gadot bilang “The Bishop,” na inilarawan bilang world’s most wanted art thief.

Screengrab mula sa Netflix
Screengrab mula sa Netflix

Mapapanood ang Red Notice sa sikat na online streaming na Netflix na nagsimula na noong Nobyembre 12.

Bukod sa mga netizens, nabulabog din ng ‘insidenteng’ ito ang Pasay Police kaya agad silang nakipag-ugnayan sa SM MOA management upang mag-imbestiga.

Pati ang mga sikat na celebrities ay napaniwala rin na ninakaw nga ito. Isa na riyan si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

“I thought it was a hoax but apparently it’s true. And no one did anything while the MOA globe was being harnessed and carried away? No one saw it happening? Are choppers even allowed to fly at this time of the night? Who is watching our skies? What’s going on??” ayon sa tweet ng singer nitong Nobyembre 14 ng madaling-araw.

Nitong Nobyembre 14 nga ng hapon ay ibinunyag na ng SM MOA ang kanilang promo ng Red Notice sa pakikipagtulungan ng Netflix.

May be an image of outdoors
SM MOA Globe (Larawan mula sa Manila Bulletin)
Tags: MOA globeNetflixRed Noticesm mall of asia
Previous Post

Pakana ni Bongbong? Duterte, tutol sa pagtakbo ni Inday pagka-bise presidente

Next Post

Menor de edad na bakunado vs. COVID-19, umabot na sa 400k — FDA

Next Post
Menor de edad na bakunado vs. COVID-19, umabot na sa 400k — FDA

Menor de edad na bakunado vs. COVID-19, umabot na sa 400k -- FDA

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.