• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Pacquiao hinggil sa mga ‘plot twist’ ng mga katunggali: ‘Taumbayan na ang mag-evaluate’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 14, 2021
in National
0
Pacquiao hinggil sa mga ‘plot twist’ ng mga katunggali: ‘Taumbayan na ang mag-evaluate’

Manny Pacquiao (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na mananatili siyang kandidato sa pagka-pangulo, at pinabulaanan ang mga balitang may ‘pasabog’ siya sa Nobyembre 15, na huling araw para sa substitution of candidates.

Ayon sa panayam sa kaniya ng media, hindi umano magbabago ang isipan niya tungkol sa hangarin niyang kumandidato at maiboto ng taumbayan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

“Tingnan mo, yung mga ganyang politiko, ang taumbayan na ang mag-evaluate, mag-asses kung anong klaseng tao, anong klase kang politiko. Gusto natin, totoo. Ako, hindi ko kayang gawin ‘yun, hindi ko kayang gawin sa kapwa ko,” reaksyon ni Pacquiao sa mga nagaganap na substitution sa huling mga araw bago ang Nobyembre 15.

Sinabi ni Pacquiao na hindi umano siya ‘trapo’ (traditional politician) mag-isip, at hindi siya isang trapong politiko.

“Totoo ako. Pag sinabi ko, sinabi ko. Sinabi kong hindi ako tatakbong vice president, hindi ako tatakbong vice president. Pag sinabi kong tatakbo ako, tatakbo ako. Nakapagdesisyon na ako eh. Meron ba kay Manny Pacquiao na umatras?”

“Yung sinasabi ko hindi lang tayo puwedeng mangako nang mangako nang mangako, tapos pagdating ng panahon, wala naman. Kasi mahirap kasi yung… alam ninyo kung ako ang tatanungin, sabihin ko, yung mga tao isipin nila, kasi sa umpisa pa lang marami nang nagsisinungaling eh. Yung walang takot magsinungaling, eh delikado ‘yun.”

Pero aniya, malaya naman daw ang sinuman na tumakbo, nasasaad naman ito sa batas at sa panuntunan ng Commission on Elections o Comelec, taumbayan na lamang ang hahatol at huhusga sa pamamagitan ng kanilang pagboto.

Nitong Nobyembre 13 ay maraming naganap na ‘plot twist’ sa kandidatura ng pagka-pangalawang pangulo at pagka-pangulo. Tumakbo na si Davao City mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas CMD, at inadopt naman siya ni presidential aspirant Bongbong Marcos bilang running mate, na chairman naman ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP.

Bandang hapon, binawi na ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo, at pinalitan siya ni Senador Bong Go. Napababalitang ang magiging running mate niya sa pagka-pangalawang pangulo ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, na maghahain umano ng kandidatura sa Nobyembre 15.

Tags: manny pacquiaoNational Elections 2022plot twistPresidential candidate
Previous Post

Albie Casiño, latest evictee sa Pinoy Big Brother house

Next Post

VP Leni, nagpapasalamat sa mga volunteers na nangangampanya para sa kaniya

Next Post
VP Leni, nagpapasalamat sa mga volunteers na nangangampanya para sa kaniya

VP Leni, nagpapasalamat sa mga volunteers na nangangampanya para sa kaniya

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.