• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Na-scam? Bakit uuwi na lang ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Glamour International 2021?

Balita Online by Balita Online
November 9, 2021
in Balita
0

Larawan mula sa Instagram ni Gianna Margarita Llanes

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naging usap-usapan nitong nakaraang araw sa mga online pageant community ang kontrobersyal na pagkansela sa Miss Glamour International 2021 sa bansang Mexico.

Gaganapin sana ang coronation night ng Miss Glamour International nitong Nobyembre 7, subalit ilang Pinoy fans ang nagulat nang hindi natuloy ang nasabing pageant.

Si Gianna Margarita Llanes ang delegada ng Pilipinas sa naturang pageant kung saan ilang linggo na itong namalagi sa bansang Mexico para sa pre-pageant activities kabilang na ang preliminary swimsuit at media conference.

Matapos na kumalat ang isyu, isang pageant page sa Instagram ang nagbulgar sa umano’y bigong pagbayad ng Miss Glamour organization para sa hotel accommodation ng mga kandidata.

“The fake pageant that promised 100,000 dollar prizes while bringing six candidates to Oaxaca, Mexico, is now showing its real face,” sabi ng Pageant Control sa Instagram.

Alegasyon pa ng pageant page, nakansela ang finals dahil sa hindi pa nababayarang utang ng organisasyon kalakip ang mga larawan ng mga kandidatang tumuloy na lang umano sa bahay ng organizer. Tinawag pa itong “fake” sa parehong instagram post.

Kalauna’y naglabas ng pahayag si Gianna at ibinunyag nga nitong hindi na tuloy ang naturang pageant at kasalukuyang “ligtas” at nasa pangangalaga siya ng isang magulang ng isang kandita sa Mexico.

“May mga miyembro rin ng mamamayan dito na tumutulong sa’kin tawagan ang Filipino at Canadian Embassy dito sa Mexico,’ ani Gianna sa isang pahayag nitong Lunes, Nob. 9.

“Ang Pilipinas ang may pinakamalaki na suporta sa pageant kaya importate sa akin na ibahagi sa inyo kung ano ang nangyari pag-alis ko ditto,” dagdag niya.

Sa huli ay nagpasalamat ang kandidata sa mga positibong mensaheng natatanggap niya kasunod ng pagkapurnada ng naturang pageant.

Wala pa ring opisyal na pahayag ang organisasyon sa pag-uulat kaugnay ng dahilan ng kanselasyon.

Anim na kandidata sana ang magtatagisan ng ganda at talino para sa Miss Glamour International crown.

Tags: Miss Glamour International 2021
Previous Post

Adele, ipinarinig ang papalabas niyang kantang ‘Hold on’ sa isang nakakaantig na patalastas

Next Post

Giant saging na ‘kasing laki ng braso,’ pinagkakaguluhan sa Pangasinan

Next Post
Giant saging na ‘kasing laki ng braso,’ pinagkakaguluhan sa Pangasinan

Giant saging na 'kasing laki ng braso,' pinagkakaguluhan sa Pangasinan

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.